MANILA,
Philippines – Sa isa pang pagkakataon, magpapasailalim muli si Manila Mayor
Isko Moreno sa self-quarantine matapos dumalo sa isang pagpupulong kasama si
Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na
kumakailan lang na naging positibo sa coronavirus 2019 (COVID-19).
Una nang
naggawa ito ng Isko noong March 11 na kung saan nanatili lang siya sa City
Hall. Aniya ni Isko Moreno, kailangan nyang ma-quarantine ang sarili
pagkagaling nito sa isang byahe sa United Kingdom na nabalitang mayroong 382 pa lang na kumpirmadong kaso ng COVID -19 noong March 11 din. Nirekumenda naman ng mga awtoridad na
kailangang sumailalim ang isang tao sa self-quarantine kung galing ito sa mga
lugar na apektado ng nasabing sakit.
Matapos ang
isang linggo, nasuri ang alkalde na negatibo sa sakit.
Nito lamang Linggo, March 29, sa talumpati ni Moreno, sinabi niya na ang kanyang pag self-quarantine
ay isang pagiingat lamang dahil ang nakasalamuha niyang mga tao ay nasuring
positibo sa COVID-19.
Gayon pa
man, nasa maayos pa rin ang kanyang kondisyon.
“Sa awa
naman ng Diyos, ako naman ay mukhang malusog. Ako rin ay nag-sumite na ng
panibagong test at ako ay maghihintay pa po ng ilang araw para kumalma lang ang
lahat,” sabi ni Isko Moreno.
Sa ulat
ngayon tungkol sa bilang ng mga positbo sa buong mundo, umabot na ito ng halos
720,000 at malapit naman sa 34,000 ang mga nasawi. Samantalang dito sa
Pilipinas, pataas pa rin ang bilang ng mga nasuring positibo sa virus na umabot
na sa 1,418 at 71 ang mga nasawi.
Samantala,
meron namang mga nakaligtas na may bilang na 42. Ayon naman sa mga data,
natilang merong 55 ang positibo sa nasabing virus na galing sa lungsod ng
Maynila.