Wednesday, March 18, 2020

Gay Festival sa Miami: Dinagsa ng Libo-libong tao; Ilan sa Dumalo, naging Positibo sa Coronavirus





MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang pagkalat ng coronavirus sa buong mundo na naging dahilan kung bakit ito naging pandemic. Napakaraming mga pangyayari ang nakansela, lalong lalo na ang mga malaki at importanteng pagtitipon ng dahil sa pagkalat ng virus.

Samantala sa Miami, isang pagtitipon ng mga LGBTQ, na tinatawag na Winter Party Festival, ay ginaganap kada taon. Ang nasabing event na ito ay humatak ng libong mamamayan ng nasabing bansa nang nagsimula ito ngayong buwan lamang. Ngunit kahit na ito ay nagtapos noong March 10, ang mga sumunod na linggo ay nagtala ng positibo sa coronavirus ang ilan sa mga nagsipagdalo dito ayon sa organizer ng nasabing festival.



Ayon naman sa executive director of the National LGBTQ Task force na syang nag organisa ng festival na si Rea Carey - “We know there are many places people could have been exposed before and after Winter Party as this virus has developed, but we wanted to make this information public as soon as possible.”



“The health and safety of anyone who participates in any Task Force event is of great importance to us.” – Dagdag pa ni Carey.

Ang festival na ito ay nagsimula noong March 4 na dinalohan ng 10,000 na katao  at buong linggo sila sa nasabing event. Sa pahayag ni Carey, ipinagbigay-alam ng event organizers ang desisyong ito sa mga oras na yaon, at sumunod din umano sila sa mga alituntunin at opisyal na patnubay.



Ayon pa sa ulat, namigay naman ang mga event organizers ng 10,000 bote ng hand sanitizers at mga impormasyon tungkol sa hygiene. Hindi pa malinaw kung sa buong linggo ng festival ay nakakuha na ng virus ang mga dumalo. Subalit binalaan ng health officials na ang virus ay maaring makahawa bago pa man lumabas ang mga sintomas nito. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang incubation period ng virus ay tinatantiyang 1 hanggang 14 na araw, pero ang pangkaraniwan ay 5 araw lang.



Samantala, hindi naman na kumpirma ng National LGBTQ Task Force kung ilan ang naging positibo sa coronavirus sa mga dumalo – nakasaan sa isang email ni Carey.

“We are monitoring the situation but the real story here is that millions of people across the country would like to get tested and the government has not done its job to make testing available,” sabi ni Carey.

“We hope that as people do get tested, they contact those with whom they have been in direct contact with and seek medical attention if necessary,” dagdag pa niya.


Source:NBC News