Wednesday, March 18, 2020

"NOT FOR SALE" - Galit na Reaksyon ng Germany sa Tangka ng Administrasyong Trump na Kunin ang Isang German Scientist na Bumubo ng Coronavirus Vaccine


MANILA, Philippines – Ang ministro ng gobyerno ng Germany ay galit nag galit sa isang ulat na ang administrasyon ni Trump ay balak bilhin ang exclusive rights ng coronavirus vaccine na binubuo ng isang German firm.

Sa isang eksplosibong report ng pahayagan ng Germany na Welt am Sonntag, nabanggit ng isang German government source na ang Trump administration ay nag –alok ng bilyong dolyar para makuha ang exclusive rights ng coronavirus vaccine na nai-ulat na binubuo ng CureVac firm, ngunit ito umano ay para lang sa USA.



Pahayag naman ng German health ministry sa Reuters na ang naiulat ay sadyang wasto. Ulat ng isang representative -"We confirm the report in the Welt am Sonntag."

Kasunod nito, iginiit ni German Foreign Minister Heiko Maas nitong linggo lamang na hindi pinayagan ng kanilang gobyerno si US President Donald trump para isakatuparan ang kanyang plano.


Ayon pa kay Maas, ang mga tagasaliksik ng Germany ay may importanting trabaho sa pag-buo ng mga gamot at vaccine.

"German researchers play a leading role in drug and vaccine development, and we cannot allow others to seek exclusive results."-Sabi ni Maas sa Funke na isang grupo ng media.

Sa kabilang dako naman, ayon kay Germany Economy Minister Peter Altmaier, sinabi niya sa broadcaster ARD nitong linggo na ayon naman sa AFp, “hindi daw binibenta ang Germany.” (Germany is not for sale)



Sa isang Tweet naman ni Karl Lauterbach na isang German politician at professor ng health economics at epidemiology, ang eksklusibong pagbebenta umano ng posibleng vaccine sa USA ay dapat mapigilan .

"The exclusive sale of a possible vaccine to the USA must be prevented by all means. Capitalism has limits." – Lauterbach.


Photo by: Karl Lauterbach (Tweeter)

Sabi naman ng opisyal ng US sa AFP nito ring linggo na ang nasabing ulat ay “Wildly Overplayed”, at itinanggi na ang kahit anong vaccine ay ekslusibo lamang sa US.

Dagdag pa aniya ng opisyal - "We will continue to talk to any company that claims to be able to help. And any solution found would be shared with the world."

Samantala, ang CureVac’s chief production officer at co-founder na si Florian von der Muelbe, ay nagsabi sa Reuters noong nakaraang linggo na umaasa ang kumpanya sa paghahanda ng experimental vaccine sa June o July. Kung ito ay magiging matagumpay, magsisimula naman ang pagsubok nito sa tao.


Source: BUSINESS INSIDER