Tuesday, March 17, 2020

Jack Ma, Nag-Donate ng Test Kits at Face Mask sa US at Africa!



MANILA, Philippines – Sa ulat, si Jack Ma na co-founder ng isang higanteng e-commerce na Alibaba ay magbibigay ng milyon-milyong test kits at face mask sa bansang US, Europe at Africa. Ayon sa kanyang tweet nito lamang Biyernes, sinabi ng Bilyonaryo na ang Jack Ma Foundation at Alibaba Foundation ay magbibigay umano ng 500,000 test kits at isang milyon naman para sa face masks sa US. Kinumpirma ang donasyon na ito ng Alibaba Group sa CNET.



Nitong Linggo naman, nag-tweet si Jack Ma at inilabas nito ang unang larawan ng kanyang “unang shipment” ng face masks at test kits na nagsasabing paalis na ito ng Shanghai. Hindi pa nabanggit kung sino ang tatanggap at kung sino ang magdi-distribute.







Nabalita nito lang nakaraan, naibalita na ang US ay naantala na pag aralan ang pag-kalaat ng nasabing virus dahil sa kakulangan ng test kits.


Nitong lunes din, inanunsyo ng Jack Ma Foundation na magbibigay sila ng donasyon sa Europe at Africa.






Ayon sa pinaka-latest na update, naitala ang mga nasawi sa buong mundo na umabot sa 6,700 at kasama sa 175,000 na kaso.


"Drawing from my own country's experience, speedy and accurate testing and adequate personal protective equipment for medical professionals are the most effective in preventing the spread of the virus," sabi ni Ma sa Tweeter nitong Biyernes.

"We can't beat this virus unless we eliminate boundaries to resources and share our know-how and hard-earned lessons." Dagdag pa ni Ma.