Monday, March 16, 2020

PANGULONG Duterte, Hinimok ang mga Malalaking Negosyo na Magbigay ng Paunang 13th Month Pay sa Kanilang Mga Manggagawa



MANILA, Philippines – Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Dutete ngayong March 16 ng gabi, hinikayat nya ang mga malalaking negosyante na magbigay ng paunang 13th month pay, o kalahati ng kani-kanilang mga sahod dahil sa pag-laban ng bansa sa coronavirus disease o COVID-19. Ito ay bilang pagpapakita ng pagkakaisa-isa at pagbubuklod sa kabila ng kumalat na pandemic.

Pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang live speech – Yun sanang malalaking enterprises dito, maybe you can consider paying the 13th month pay or just paying them maski kalahati sa sweldo nila as a way of showing your solidarity with the Filipino at this critical time.”


Nilagay naman ni Pangulong Duterte ang buong Luzon sa ilalim ng enhanced community quarantine kung saan ipapatupad ang mahigpit na kwarantenas sa buong kabayahan. Kasama na rin sa paghihigpit na ito ang pag suspinde ng mga transportasyon, ang pag-kontrol sa mga importanteng serbisyo tulad ng pagkain, at paiigtingin pa ang presensya ng mga kapulisan at militar sa paligid. Ito ay para naman maseguradong mabigyan ng tulong ang mga taong nangangailangan ng proteksyon.

Dagdag pa dito, pinaliwanag rin ni Pangulong Duterte na ang nangyayaring paglatag ng mga nakaunipormeng personel sa bawat sulok ng Metro Manila ay hindi nangangahulugang may Martial Law. Aniya, ang paglulungsad ng Martial Law ay may mga kadahilanan tulad ng rebelyon, pag-sakop ng mga terorista, at para madipensahan ang  bansa laban sa pangugulo. Ngunit ang kinakaharap ng bansa ngayon ay isang hindi nakikitang kalaban. Kaya naman malabo itong maging martial law.


Dagdag pa ng Pangulo na wag matakot sa mga kapulisan at militar lalong lalo na sa mga ganitong panahon. Hinikayat niya na dapat humingi ng tulong ang tao sa kanila sa gitna ng sakuna para sa pagsasa-ayos ng mga problema. Tulad na lang ito noong isang araw na muntik nang makalusot ang isa sa may sintomas ng COVID-19. Kundi dahil sa mabilis na responde, nakalusot sana ang isang pasaherong posibleng merong COVID-19 sa Lucena.

Ang gobyerno naman ng Pilipinas ay nagtaas ng alert level mula code red sublevel 1 hanggang sublevel 2.