MANILA, Philippines – Ayon sa ulat, tinatalang nagbigay ang
bansang China ng 2,000 COVID-19 test kits para sa Pilipinas bilang donasyon
galing sa embahada ng Tsina at ng China Mammoth Foundation. Pahayag naman ng
Embahada, ang nasabing mga test kits ay dumating na sa bansa nito lamang Lunes
ng Umaga.
Bukod pa dito, inaasahan naman na mas marami pa ang maasahang
darating na test kits at iba pang mga kagamitan at supply pang medisina tulad
ng PPE.
Pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xillian - “Because China and the Philippines are
brothers and good neighbors so we are ready to provide more test kits and other
personal protection equipment in the coming days.”
Dagdag pa ni Huang, ang mga test kit na ito ay
mabilis magbigay ng resulta na aabot lamang ng 3 oras. Ang mga test kit umano
ay ginawa ng BGI Chinese Company at ito ay na-export na rin sa ibat ibang
bansa.
"The
kits are not only being widely used in China. Also this kind of kits have been
exported to more than 50 countries in the world and it has been proven to
working quite well.” – Huang.
Ayon naman sa isang pag-uusap sa telepono ni Chinese
State Councilor, Foreign Minister Wang Yi, at ni Foreign Affairs Secretary
Teodoro Locsin Jr. nito lamang linggo, desidido ang Beijing na magbigay ng
marami pang testing kit at pati na rin ng iba pang medical assistance sa ating
bansa.
Sa isang tweet ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson
Hua Chunying - "We feel the same as
the Philippine people are going through difficult times. We will do our utmost
to help."
Para sa kaalaman ng nakararami, ang naitalang kaso
ng COVID-19 sa Pilipinas ay umabot na sa 140, na mayroon namang 12 na nasawi
dahil dito.
Samantala, sa kabooang kaso sa buong mundo, umabot
ito ng 142,000 ayon sa data ng WHO. Ito naman ang naging dahilan kung bakit
na-pangalanan ang nasabing sakit na pandemic.