Monday, March 16, 2020

PASAHERO ng Bus Patungong Lucena na may Sintomas ng COVID-19, Naagapan at Napigilan ng mga Awtoridad





MANILA, Philippines – Sa kasagsagan ng COVID-19, hindi maiiwasan ang mga insidente na may mga taong gustong pumuslit na umuwi o pumaroon sa mga kani-kanilang lugar. Tulad nitong ngyari noong March 15, isang pasahero ng bus papuntang Lucena na galing sa Manila ang nagpakita ng sintomas ng COVID-19. Mabuti na nga lang at ang nakatagpo ng sitwasyong ito ay mga health personnel na nakasuot ng PPE o Personal Protective Equipment. Ayon sa pangunahing ulat, nalaman ng awtoridad na merong isang pasahero ang may sintomas ng COVID-19 dahil isinumbong ito ng kanyang kapatid sa health officials ng siyudad.



Bago pa man ang lockdown na naganap nitong March 15 lamang, dumagsa na ang mga tao sa mga terminal ng bus para umuwi sa kani-kanilang mga probinsya. Ang nakakabahala pa nito, lahat ng nasabing pasahero ay posibleng taga-dala ng sakit o carrier ng COVID-19. Natural lamang ito dahil ang nasabing sakit ay nagbibigay ng sintomas ng isang ordinaring trangkaso, ngunit ito ay sadyang nakamamatay.



Ito ang dahilan kung bakit kailangang i-lockdown ang isang lugar upang hindi na tuloyan pang kumalat ang nakakahawang sakit. Bukod dito, naging iresponsable rin ang pasaherong ito sapagkat pwedeng mahawaan ang mga pasahero ng sinasakyang bus.


Ayon sa ulat, isang 44 anyos na lalaki galing Manila ang sumakay sa Jam Liner bus papuntang Lucena.  Pahayag naman ng local na health authorities, nakikitaan nan g sintomas ang lalaking ito dahil mayroon na itong ubo at lagnat habang nasa byahe.


Sa karagdagang ulat, tumawag umano ang lalaki sa kanyang kapatid na sunduin sya sa stasyon ng bus sa kadahilanang nilalagnat na ito. Imbes na sumunod ang kapatid, nag-sumbong ito sa health officials ng siyudad na agad-agad namang nagplano kung ano ang dapat gawin pag-dating ng sinasakyang bus ng lalaki.


Ang resulta, ang mga health personnel na naka PPE kasama ang mga pulis ang nagsundo dito. Ang lalaking ito ay nai-uri bilang PUI at dinala sa isang medical na pasilidad para ma-kwarantina.
Gayon pa man, parehas ng sinapit ang iba pang pasahero ng bus  na nai-uri din bilang PUMs at hiningan sila ng kani-kanilang pangalan, tahanan, at numero ng kanilang mga telepono para naman mapadali ang pag obserba sa kanila. Dagdag pa sa ulat, hindi lamang sa Lucena patungo ang mga nasabing pasahero kundi sa Marunduque rin at Bondoc Peninsula. Nasa – ilalim naman ang mga pasaherong ito sa kwanrantina sa loob ng 14 araw.



Ayon naman sa GMA News, tinukoy ng awtoridad na ang nasabing pasahero ay nabalitang positibo sa COVID-19 at ito ay nagtratrabaho sa isang tao sa Makati. Maaring humarap sa kaparusahan ang nasabing lalaki dahil sa pagbyahe kahit na alam nitong isa sya sa dahilan ng pag-kalat ng sakit.