Monday, March 16, 2020

ISANG LIHAM MULA SA ISANG PULIS: Ipinaliwanag Kung Bakit sila Kasama sa Operasyon sa Quarantine






Sa nangyayari ngayon sa Metro Manila, tiyak nagsisilabasan na naman ang mga kritiko ng Pangulo ng bansa. Ano pa ba’t sinasamantala rin nila ang pagkakataon para kamuhian ng nakararami ang Pangulo. Ngunit kahit ano pa ang kanilang gawin, napakarami pa ring sumusuporta sa Pangulong Duterte sa kadahilanang ang mga tao sa ngayon ay mulat na at mabilis manaliksik ng katotohanan. 

Kaya naman kahit anong paninira ng mga kritiko, palagi naman itong nababara ng mga naga-suporta.
Salamat na rin sa social media sa kadahilanang naipapahayag ng kahit na sino ang kanilang saluobin lalong lalo na ang kanilang mga karanasan sa pang-araw-araw na gawain sa loob at labas ng mga kani-kanilang bahay.

Tunghayan naman natin ang sulat ng isang pulis na nag-ngangalang Julios Manalo. Sa kanyang sulat, pinaliwanag nya kung bakit pulis at military ang nakabantay ngayon sa mga boarders at checkpoints sa Metro Manila.

Ipinaliwanag nya sa kanyang sulat na lahat ng sakuna’ng ngyayari sa bansa ay nireresolba ng mga nagseserbisyo sa gobyerno. Pero ang higit sa lahat, dapat laging kasama ang kapulisan sa kanilang operasyon, sapagkat ang mga kapulisan kasama sa kanilang pagsasanay ang pag-maintain ng peace and order. Sa madaling sabi, mas magiging maayos ang lahat ng operasyon lalo na’t kasama ang mga pulis.



“Hindi na kailangan i enumerate, at hindi maitatanggi na lahat ng galaw natin ay may PULIS na involve, dahil kung hindi nyo po alam ay kasama sa mission vission po namin yan, to maintain peace and “ORDER”, and also to make a “BETTER PLACE TO LIVE AND WORK” – isang sanaysay sa sulat ni Julios.

Dito sa mga linya ng kanyang sulat, hindi lang niya pinapa-abot sa mamayan ang kanyang sinumpaang trabaho, kundi ipinapaliwanag nya sa mga tao kung ano ang benipisyo na kasama sila ng mamayang Pilipino.

Naidagdag nya rin ang sitwasyon ngayon ng Pilipinas tngkol sa COVID-19 at kung bakit sila’y laging naandyan na nakabantay.



Ito ang nilalaman ng kanyang sulat:
Open letter.
Marahil nagtataka kayo bakit me PULIS?? Sundalo?
Di po ba kayo nagtataka, pag me SUNOG,
Bumbero tapos may pulis?
Pag may BAHA, me rescuer at PULIS?
Simpleng maligaw ka, MANONG PULIS? Pano po papunta sa ganto?
AT kahit NUNG seaGAMES, kapiling nyo ang PULIS.
Hindi na kailangan i enumerate, at hindi maitatanggi na lahat ng galaw natin ay may PULIS na involve, dahil kung hindi nyo po alam ay kasama sa mission vission po namin yan, to maintain peace and “ORDER”, and also to make a “BETTER PLACE TO LIVE AND WORK”
Opo, kung walang mag babantay ng orderliness, pano gagampanan ng bumbero ang duty nila? Na kung me naghihimutok na aagaw ng HOSE ng tubig para unahin ang BAHAY nila. Pano gagamutin ng mga butihing doctor natin kung me aaway sakanila upang sila ang unahin, remember, PULIS, will maintain “order” orderliness, and we will make our place(community) for a better place to work and LIVE.
KAYA NAMAN SA BANTA NG COVID19, ay nandito ang mga PULIS(kasama ang afp). Kaya sana KUNG nabasa mo ito ay siguro naintindihan mo na.


PERO ayaw kong kalimutan, ang sabi sa mission namin, “with the active support of the community” OPO! Kasama po kayo, papano kayo makakasupporta? Sa impleng pag sunod lang. Ayos na po. Pag me quarantine pls follow, pag me curfew, pls follow, after all para po salahat ito.
At ika nga ng iba, trabaho NAMIN, pulis health workers, and other uniform personnels ang ginagawa namin, KAHIT HINDI PO KAMI PASALAMATAN ayos lang po. Hiling lang po namin, ay maisama man lang sa PANALANGIN, na sana magampanan namin ng mas maayos ang sinumpaang tungkulin. Maiwas kami sa kapahamakan, at lalong MAIIWAS SA VIRUS, para mas marami pa kaming mapag lingkuran.
DAHIL, may mga pamilya din kaming nag aantay saamin, magulang, asawa kapatid, at anak na uuwian, na nag sasabing tatay wag ka na pumasok, asawa ko mag hanap ka ng ibang trabaho nalang. Na nag aalala kagaya ninyo at ng pamilya nyo. Pero hindi, sumumpa kami at kailangan namin yun gampanan.
Pacenxa sa mahabang pag basa. Malalagpasan din natin to. Sa tulong at awa ng DIOS. Mabuhay tayong lahat.



Ito naman ang larawan ng source: