MANILA, Philippines – Sa gitna ng mga problemang kinakaharap ng
bansa ngayon, nagsalita naman sa publiko si Bise Presidente Leni Robredo nito
lamang linggo tungkol sa mga salit at dapat gawin para maiwasan ang mabilisang
pagkalat ng COVID-19. Ayon sa kanyang pahayag, mas nangingibabaw daw ang aksyon
para sa kaayosan at kaligtasan ng publiko kesa ang tutokan ang kalusugan ng
komunidad.
Pahayag ni Robredo sa kanyang programa sa radyo - “Ngayon
kasi, parang nangingibabaw ulit 'yung public order and safety na dapat sana
supportive lang siya sa health concern.”
“Sana hindi grabe ‘yung focus sa
military, sa kapulisan kasi ito, health concern ito.” – Dagdag pa niya.
Para naman maiwasan ang pagkalat ng
COVID-19, nagkaroon ng kuwarentenas
sa Metro Manila na nagsimula kaninang linggo ng umaga (12:00 AM). Kasabay rin
nito ang pag-tatalaga ng mga sundalo at kapulisan sa mga checkpoints para sa maagap na responde sa mga emergency situations at para na rin kaligtasan ng lahat.