MANILA, Philippines – Sa ulat, makakatanggap umano ang bansang
Pilipinas ng rapid test kits ng COVID-19 na ibibigay naman ng bansang South
Korea at ng China. Ito ay para mapabilis ang pag kompirma kung ang isang
pasyenteng nakitaan ng mga sintomas ay positibo sa nasabing sakit. Pinahayag
naman ito ni Health Secretary Francisco Duque III nito lamang Sabado.
Sa isang pagpupulong ng mga media, inamin ni Francisco Duque na meron ngang kakulangan ng
suplay sa tinatawag na COVID-19 testing kit na kasalukuyang ginagamit naman sa
Research Institute of Tropical Medicine.
Dahil dito, naiulat ng Health Secretary na mayroon 500 na test kit
ang dumating na sa ating bansa para sa pagsusuri ng may mga karamdaman.
Pahayag pa niya pagkatapos ng pagpupulong sa Metro Manila Council
at Metropolitan Manila Dev. Authority na maryoong test kit na dumating na mula
sa South korea. Bukod dito ay may darating pa mula din sa nasabing bansa. At
ang huli ay ang China na magpapadala umano ng halos dalawang libong kit.
“Merong mga dumating na galing sa
South Korea na donation about 500 dumating kahapon. May darating na 1,000 (from
South Korea). Nagpahayag na ang China magpapadala na about 2,000.” – Duque.
Dagdag pa aniya ni Duque na ang kit
na galing sa South Korea ay paniguradong mabilis ngunit hindi naman nya
nabangit ang naturang kakayahan ng nasabing kit.
“Mabilis na yung test mula po sa
South Korea, may isang nagmagandang loob na siya gumitna na pumasok ang rapid
diagnostic test.” – Duque.
Nilinaw pa niya na ang mga test kits
para sa sakit na COVID-19 ay hindi katulad ng pregnancy test lamang na
maihehelera sa pangkaraniwang test kit na nagagamit lang sa bahay. Tinatayang
ang nasabing mga importanteng kits na ito ay ginawa umano sa isang
sopistikadong pamamaraan at laboratoryo.
Samantala, ang test kits naman na naibalitang
gawa ng Unibersidad ng Pilipinas National Institute of Health ay sinusubukan na ng aktwal pagkatapos aprobahan ang paggamit nito ng Food and Drug
Administration.