Saturday, March 14, 2020

CAYETANO, May Personal Na Reklamo sa ABS-CBN!





MANILA, Philippines – Ibinunyag ni Speaker Alan Peter Cayetano na mayroon syang personal na isyu sa ABS-CBN na naging dahilan kung bakit hindi nagarantisahan ang prangkisa ng higanteng network na magtatapos naman sa buwan ng Mayo.

Sa pagtawag ng recess ng House na hindi pa nareresolba ang aplikasyon ng network, Inamin ni Cayetano na mayroon din umano syang’ reklamo sa ABS-CBN hingil sa kanyang vice presidential campaign noong 2016 na kagaya rin ng Pangulong Rodrigo Duterte.



Nagpatoto naman si Cayetano na nagkaroon ng political bias ang ABS-CBN noong panahon ng pangangampanya, at nasaksihan mismo ito ng speaker.

Tinuligsa mismo ni  Cayetano ang pag-ulat ng nasabing network hingil sa pag diskwalipika  ng kaso nya at ng kanyang asawa, at Taguig Rep. Lani Cayetano.

Sabi nya sa isang ABS-CBN reporter sa isang press conference nitong mga nakaraang araw - “How many shows did you have on the case against me and his Lani? Four. The Suansing couple you didn’t even report on hearings on their case as well as the case of the Albano couple. Can you say to me that there was no bias there?” 



Sa karagdagang ulat, naghain ng katanongan si Cayetano kung bakit isang beses lang umano syang’ naimbitahan sa isang kaganapan  noong 2016 elections.

“You only invited us once, while our rival three times. Don’t you see any bias there?” – Pahayag ni Cayetano.

Bagamat nagrereklamo, hindi tinukoy ni Cayetano ang kaso laban sa kanya. Ang tinukoy nya ay ang diskwalipikasyon ng kaso na inihain laban sa kanya ni Leonedes Buac Jr.



Bingyang diin ni Cayetano na ang kanyang isyu ay isang halimbawa sa mga reklamo laban sa ABS-CBN na nakita naman ng House bilang isang material sa aplikasyon ng pagbabago ng prangkisa.
Nilinaw naman ni Cayetano na ang hakbang ng House na hindi ginawang prayoridad ang franchise application ng nasabing network ay hindi pag atake o paghigante sa ABS-CBN.