March 12, 2020, MANILA, Philippines- Binalaan ng Malacañang ang
mga nagsasamantala sa sitwasyon ng Pilipino lalong lalo na ngayong tumataas ang
bilang ng biktima ng sakit na COVID-19. Nagpahayag ang palasyo na ang babala na
ito ay para sa mga nagkakamkam ng mga pangunahing pangangailangan ng mga tao na
ibinibenta sa mataas na halaga. Nasabing ang mahuhuli ay maaring maaresto.
Ang mga hindi moral na nagtitinda ay naiulat na nagkakamkam ng mga
supply tulad ng face mask at alcohol na di umano’y ibinibenta lagpas sa regular
na presyo nito.
Ayon sa pahayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo - “The Office of the President hereby
gives warning to those hoarding vital commodities, which create a hike in the
prices, as well as selling them beyond their regular prices, that their actions
will be dealt with accordingly in pursuance of public safety and order.”
“Those who unscrupulously take
advantage of the health crisis will also be arrested and dealt with in
accordance with law,” dagdag pa ni Panelo.
Hinimok din ni Panelo ang media na
huwag magpahayag ng sobra sa katotohanan sa kadahilanang makakaapekto ito sa
kaisipan ng publiko.
Sabi ni Panelo ukol dito - “The
Palace also reiterates its appeal to our countrymen to stay calm yet vigilant,
as well as not to believe or spread any false information on COVID-19.”
“The resort to hate messages or
posts in social media channels and other platforms will do more harm than good,
especially during this time which should be seen as an opportunity for the
Filipinos to unite in the face of the health threat,” dagdag pa
aniya.
“We similarly ask media outlets to
refrain from exaggerating or amplifying reports that may only affect the
mindset of the public and instead help in disseminating helpful tips on how to
prevent the spread of the virus,” sabi ni Panelo.
Pinaalalahanan naman ng opisyal ng
palasyo ang publiko na sundin ang mga alituntunin sa paglilinis sa sarili at
ang pag-bibigay ng distansya sa bawat isa. Ito ay tinalaga ng Department of
Health (DOH) para maiwasang kumalat ang sakit.
Dagdag pa dito, sinegurado din
naman sa publiko na ang opisina ng Pangulo ay gumagawa na mga nararapat na
hakbang para hindi kumalat ang sakit at protektahan din umano ang mga tao para
hindi sila makontamina ng nasabing sakit.
Pinayohan din ni Panelo ang publiko
na bilhin lamang nila ang kanilang kailangan para hindi agad-agad maubos ang
mga supplies at para na rin maiwasan ang panic-buying.
“The Palace appeals to our people to buy only what
they need. There are reports of panic-buying in some supermarkets, groceries,
or pharmacies. This would only result in undue hoarding and price increases,” sabi
pa ni Panelo.
“We cannot stress enough the importance of
everyone’s cooperation during this time. Let us not circulate unverified
information that may only cause unnecessary anxiety among the members of our
respective communities and instead maintain good hygiene and observe proper
etiquette at all times,” dagdag pa niya.
Samantala, ginarantisahan naman ng DTI ang publiko
na mayroong sapat na supply ng mga mahahalagang items ang bansa.