MANILA, Philippines, March 12, 2020 – Napagdesisyonan ng Pangulong
Rodrigo Duterte na sumailalim sa pagsusuri para sa coronavirus disease o
COVID-19 kasama ang pinagkakatiwalaan nitong Senador na si Senador Bong Go.
Bukod sa kanila, may mga ilan ding’ senior na opisyal ng gobyerno ang
nagdesisyong ipa-quarantine ang mga sarili matapos umanong ma ospital ang isang
tao na bumisita sa Senado dahil sa nasabing sakit.
Ayon naman kay Senator Bong Go, wala umanong nakikitang sintomas ng
COVID-19 kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit minabuti nitong magpa-tingin para
sa seguridad ng kanyang kalusogan, at sa kadahilanan na dapat ang Pangulo ay
malusog at maayos ang pangangatawan sa pagharap sa publiko. Dagdag pa dito,
para na rin magampanan ng Pangulo ang trabaho nya ng maayos sa mga darating na araw
at linggo.
“President Duterte and I will
undergo testing for COVID-19. As always, the President and I remain ready to
serve and die for the Filipino people. It is just prudent for us to take
precautionary measures in compliance with the advice of our health officials.”
– Senator Bong Go.
Naihayag ito ni Senator Bong Go
bago pa man pinangalanan ng World Health Organization (WHO) ang COVID-19 bilang
isang pandemic sa kadahilanang ang nasabing sakit ay kumalat na sa 114 bansa. Sa
kasalukoyan, naitalang merong 118,000 na nahawaan ng sakit, at 4,500 naman ang
mga nasawi.
Dagdag pa ni Senator Bong Go bilang
pinakapuno ng Senate committee ng Public Health, nagdesisyon umano ang Pangulo
na sumailalim sa self-quarantine pagkatapos nitong makasalamuha ang ilan sa mga
opisyal na nagkaroon ng contact sa mga indibidwal na naging positibo sa sakit.
Samantala, ang ilang kilalang
pinuno naman ay nag-kansela na ng mga kani-kanilang paglalakbay sa Boracay para
sa promosyon ng local na torismo. Kasama dito si Tourism Secretary Bernadette
Romulo-Puyat at ito ay nakansela ngayong linggo lamang matapos umakyat sa 49 na
tao ang naging positibo sa COVID-19, at dahil pati na rin sa pagpanaw ng isang
pasyente sa Manila Hostpital. Ang
nasabing pagkasawi ng pasyente ay naitalang pangalawang fatality dito sa
Pilipinas.