Wednesday, March 25, 2020

Isang DOKTOR, Inaresto ng NBI sa Pagbebenta ng OVERPRICED Themal Scanner na Donasyon





MANILA, Philippines – Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang doctor na sinasabing nagbebenta ng mga thermal scanner. Ang nasabing mga thermal scanner ay naiulat na bigay lamang sa kanya sa halagang wasto lamang.

Nitong nakaraang mga linggo, nagbabala na ang Malacañang na maaring maaresto ang mga nagbebenta ng alcohol at face mask sa mataas na halaga. Nitong Martes lamang, sa isang operasyon ng Special Action Unit ng NBI, naaresto si Dr. Cedric John Sarmiento De Castro na isa sa sinasabing presidente sa isang chapter ng Lions Club sa New Manila, Quezon City.



Ayon sa ulat, si De Castro ay nasabing nagbebenta ng 150 thermal scanners na nagkakahalaga ng P9,500 kada piraso. Ayon pa sa NBI nitong Miyerkules, aabot sa kahalatang total na P1.2 milyon ang nasabing item.

"The thermal scanners were further alleged to have been donated to him in his capacity as chapter president of Lions Club."

Dagdag pa sa ulat ng NBI, ang mga thermal scanners na yaon ay nagkakahalaga lamang ng P800 hanngang P1, 500.

Si De Castro ay dinala sa main office ng NBI sa Manila para sa booking procedure nitong Martes at masasailalim sa pagsisiyasat sa opisina ng prosecutor ng Quezon City ngayong Miyerkules.



Naaresto naman ang nasabing doctor sa magkaparehas ding araw sa apat na katao na naakusahan sa pagbebenta ng thermal scanners sa mataas na halaga sa Manila.

Nitong nakaraang linggo lamang, nagsampa ng reklamo ang NBI sa  nasabing apat na katao, na nagbebenta ng overpriced thermal scanner at face masks. Nahaharap sa kaso ang apat na ito sa ilalim ng Price Act at pagsasanay sa ilalim ng Consumer Act.
Dagdag pa dito, hindi pa nailabas ng NBI ang mga personal na impormasyon ng apat na ito.

"The establishments were however identified as Icon Medics Trading and Jasrich Medical Supplies & Medical Equipment." - Justice Undersecretary Markk Perete.
Nakuha ng NBI kay Castro ang libo-libong mga thermal scanner at pati na rin ang mga medical maska na kailangan ngayon ng maraming Pilipino. Ang mga item na nakuha ng NBI ay nagkakahalaga ng lagpas P10 milyon.