Wednesday, March 25, 2020

Gobyerno ng MANILA, 5,000 Pampublikong Paaralan Gagawing Isolation Rooms para sa PUIs





MANILA, Philippines – Gagawing lugar para sa mga persons under investigation (PUIs) ang mga paaralanag pangpubliko sa lungsod ng Maynila ayon sa gobyerno ng siyudad. Ito ang pahayag ng Manila City Mayor Isko Moreno matapos maabot ng mga ospital sa kamaynilaan ang full capacity nito.

Libo-libong mga kwarto ng paaralan ang magsisilbing quarantine area para sa mga mild PUIs. Kabilang sa mga paaralang ito ang mga pang elementarya at high school.

“If dumami pa nang husto, we can make about 5,000 rooms converting our public elementary and high school as quarantine area for mild PUIs. Ibig sabihin mailayo agad.”- Ito ang naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa isang pampublikong  panayam sa Laging Handa ng tanongin siya kung ano ang magiging preparasyon niya sakaling maapektohan ng COVID-19 ang mga tao sa mga mahihirap na lugar ng Manila.



Sa magiging hakbang na ito ng alkalde, mabibigyang pansin ang mga naapektohan ng sakit sa mahihirap na lugar pati na rin ang kaayosan ng mga pasyente sa mga ospital.
Isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ng ibang ospital ay ang biglaan dami ng tao na tinamaan ng COVID-19. Dagdag pa, bukod sa lingsod ng Maynila, may mga ilang ospital na rin ang hindi na tumatanggap ng pasyente sa kadahilanang puno na ang mga ito.



Ang paraang ito ni Mayor Isko ay mainam para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Sa isolation, importante ang pagkakaroon ng sapat na spasyo para maihiwalay agad ang mga apektadong mamayan sa publiko.

“Ilayo na kaagad, ilagay na namin sa isang area na magamit, pansamantalang tirahan habang binibigyan ng tamang tugon yung mga nasa ospital.” – Mayor Isko Moreno.

Base sa panukala ng DOH, dapat panatilihin ang social distancing para maiwasan ang pagkalat ng virus. Kung ating pupunain, ang ideya ni Mayor Isko ay napakainam sa kadahilanang ang mga paaralng gagamitin ay hindi pa naman nagagamit sa kasalukoyan. Imbes na magsumiksik sa ospital, mas tama na gamiting quarantine area ang ibang mga pampublikong establisyemento kagaya nito.