Wednesday, March 25, 2020

BAYAN: COVID-19 is a Health Issue and not Peace and Order Issue





MANILA, Philippines – Nitong Martes nang pina-ere ng Malacañang ang anonsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte para ipatupad ang “national action plan”, pinakita nito na ang puno ng executive ay pinaubaya ang pinaigting na kapangyarihan para ipatupad ang enhanced community quarantine ng mga kapulisan at military para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.



Samantala, ang Bagong Alyansang Makabayan o “BAYAN” ay nagpahayag na ito ay hindi lohikal na hakbang.

Ayon kay Secretary General ng BAYAN na si Renato Reyes, dapat umanong itukoy ng NAP ang tatlong mahalagang puntos kung saan lahat ay mapapasailalim sa nasasakupan ng pang kalusugan at socio economy.

“Right now, the people’s demands can be summed up in three points: immediate economic relief for the poor and vulnerable, mass testing for those with symptoms, and protection for frontline health workers,” pahayag ni Reyes ngayong Miyerkules lamang.

Dagdag pa niya, hindi umano naglatag ang Pangulo ng isang plano ng pondo para sa NAP. Dahil dito, magiging kawalan umano ng adbentahe ang kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino.



Matapos mabigyan si Pangulong Duterte ng emergency powers ng Kongreso, pnahayag ni Reyes - “These were not sufficiently and comprehensively addressed in the emergency powers act since no spending plan was ever submitted.”

“The lack of a unified and comprehensive plan to fight COVID-19 threatens the health and welfare of the entire population.” – dagdag pa ni Reyes.



Ayon naman sa pahayag ng Pangulong Duterte, matatalaga sina Defense Secretary Delfin Lorenzana bilang Chairman ng NAP at ang grupo na ito ay sasama sa Inter-Agency Task Force na kung saan naman pinamumunoan ng Department of Health (DOG) sa pagsugpo sa COVID-19.

Sabi pa ni Reyes na magiging problema di umano kung ang mamumuno ng NAP ay ang Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG).

“COVID-19 is first and foremost a health issue and not a peace and order issue. It requires medical solutions and not militarist responses.”

Sa latest update sa COVID-19, merong 636 na kumpirmadong kasi na sa COVID-19 sa buong Pilipinas. Sa mga ito, 38 na ang nasawi at 26 na rin ang nakaligtas.