Thursday, March 26, 2020

PANGULONG RODRIGO DUTERTE, Pinasalamatan ang mga Frontliners laban sa COVID-19





MANILA, Philippines – Nagbigay ng talumpati si Pngulong Rodrigo Duterte isang linggo ng masimulan ang pinaigting na community quarantine sa buong Metro Manila at iba pang parte ng Luzon. Pahayag ng Pangulo na patuloy ang pagresponde ng gobyerno sa pangangailangan ng publiko, at ang pagaasikaso ng mga pagkukunan ng pangangailangan ng tao.

Sa pangunang pahayag ng Pangulo, pinasalamat nya ang lahat ng frontliners ng bansa kabilang ang mga doctor, nurses, at iba pang health care professionals.

“First, let me reiterate my sincere gratitude to ‘ALL’ our courageous front liners especially our health care workers, our doctors, nurses, medical technologists, and other allied health proffessionals. Maraming maraming salamat. Asahan nyo ang suporta ng inyong gobyerno.”  - Pangulong Duterte.



Dagdag pa sa pahayag ng Pangulo, nalulungkot umano sya sa mga balitang kumitil na ng buhay ang COVID-19 ng ilan sa mga doktor natin.

Saludo naman ang Pangulo sa kagitingan sa mga doktor. Tinawag nyang bayani ang mga ito dahil sa kagitingan ipinakita sa kabila ng banta ng COVID-19.

“I am saddened by the news that the virus has claimed lives of our doctors along the way. Lahat po sila ay ‘BAYANI’, not only that, talagang bumilib ako. Bihira akong sumasaludo ng tao. Mga doctor natin, mga health workers na nadisgrasya, talagang saludo ako sa inyo. Wala na kayo sa mundong ito pero ganon na lang ang pagtingin ko sa inyo.” – Pangulong Duterte.



Nakatanggap ng pasasalamat mula sa Pangulo ang mga nassa AFP at PNP dahil sa pagpapanatili ng mga ito ng kapayapaan at kaayosan lalo na’t delikado rin ang kanilang kalagayan dahil maari din silang mahawaan ng virus tulad na lang ng mga nakaraang ulat.

“To reable officials and staffs of the interagency task force on emerging infectious diseases, thank you for staying on top of the situation. To the brave men and women of the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police, thank you as well for ensuring peace and order in this trying times.” – Pangulong Duterte



Bukod dito, binigyang pansin rin ng Pangulo ang iba pang mga frontliners na nagbigay ng serbisyo sa publiko tulad ng pagbibigay ng mga pagkain. Pati na rin ang mga pribadong negosyo na kusang nagbigay ng tulong ay napasalamatin din ng mahal na Pangulo.

“I also thank the rest of the front liners to ensure that a basic services are provided to our people. From those money various government agencies, groceries banks food establishments and delivery services among others. Maraming maraming salamat po.” – Pangulong Duterte.

“To the variant volunteers bravely supplementing our frontliners, to the noble civil society organizations who are working tirelessly in calling for donations and performing charity work, thank you very much for your kindness, compassion, and generosity.” – Dagdag pa ng Pangulo