MANILA,
Philippines – Naihanda na ang reklamo laban kay Senator Aquilino “Koko”
Pimentel III matapos nitong labagin ang quarantine nang siya ay nagpunta sa
Makati Medical Center.
Sa pahayag
ng abogadong si Rico Quicho, sinabi nya na nagbabalangkas na siya ng reklamo
laban sa senador na natalang postibo nitong Miyerkules lamang sa COVID -19.
Pahayag pa
ng abogado na aasahan umano ang batas at hahapan ang senator ng kaukolang
reklamo.
“We will
rely on the full force of law—we are looking into criminal, civil and
administrative charges. Not only to make him accountable, but also set an
example,” ayon kay Quicho.
Nitong
Miyerkules ng gabi, tinuligsa ng Makati Medical Center (MMC) si Pimentel ng
labagin nito ang home quarantine protocol sa pamamagitan ng pagpasok sa nito sa
mga ilang lugar ng ospital nang dalhin nito ang kanyang asawa na manganganak
na,
Nasabi din
ni Quicho sa mga reporters na wala siyang kaugnayan sa Makati Medical Center.
Nilinaw niya na siya at ang kanyang mga kasama sa Quicho & Angeles Law,
kaibigan at mga law student na mismo ang magbabalangkas ng reklamo.
Nais naman
ni Quicho na pagaralan nya ito ng masinsinan. Kasalukuyan pang naghihintay ang
abogado ng iba pang impormasyon mula sa medical associations.
Sa mga hindi
pa nakakilala, si Quicho ay dating spokesman ni dating VP Jejomar Binay.
Nakiusap din
naman si Quicho sa mga doktor, nurses, at pasyenteng nandoon na tumistigo sa
kaso.
“We are
coordinating with different medical associations, individuals and concerned
citizens and we encourage MMC to review their CCTV footage and join us in
clarifying the facts of the situation and holding those responsible into
account,” Dagdag ni Quicho.
Nito lamang
araw, Huwebes, March 26, 2020, humingi na pasensya si Pimentel sa MMC pero
iginiit nya na hindi nya nilabag ang quarantine protocols.
"Nobody
imposed any quarantine upon me except that to cooperate with the enhanced
community quarantine... With or without COVID I do not go around. I'm a home
body. It's natural for me to just stay at home," pahayag ni Pimentel sa
isang interview sa telepono sa isang programa sa ANC, “Headstart” ngayong
Huwebes din.
Maaring
tumaas ang bilang ng mga positibo sa COVID-19 habang ang ospital naman ay
tinutukoy ang mga kawani na nagkaroon ng contact sa senador.
Napagalaman
din nitong Huwebes na nagpunta si Pimentel sa S&R Taguig Branch noong March
16 ng kasulokoyang taon, dalawang araw matapos nyang ilahad na nakaramdam sya
ng sintomas ng tarangkaso.
Nasa
kwarantenas naman na ang mga taohang nakasalamuha ni Pimentel sa S&R.