Thursday, March 26, 2020

Vicente "TITO" Sotto III, Magpapasuring Muli para sa COVID-19





MANILA, Philippines – Nagpahayag si Senate President Vicente Sotto III sangayon siya na sumailalim sa isa pang pagsusuri para sa coronavirus testing matapos dumalo sa isang pagpupulong na kung saan nakasalamuha niya ang mambabatas ng House na kumakailanlang ay nakumpirmang nakakuha ng virus.

Sabi naman ni Sotto na maayos ang kanyang kalagayan ngunit kung iisipin ng mga tao na nakakuha din sya, dapat siyang magpasuring muli.



“I’m fine but (if) people think I should take a test again, I can and I will,” ito ang sabi ni Sotto sa isang text message sa mga reporters nitong Huwebes lamang.

Dagdag pa ni Sotto, sasailalim sya sa rapid test na kung saan ito ay pribado at hindi saklaw ng Department of Health (DOH).

“Rapid test. Private not DOH (Department of Health),” pahayag ni Sotto sa isang hiwalay na text.
Nangyari ito matapos maging positibo sa coronavirus (COVID-19) si ACT-CIS Rep. Eric Yap nitong Miyerkules lamang.



Samantala, naiulat na ang mga sekretarya ng kabinete, mga congressman at senador, kasama si Sotto, ay nagkitakita sa isang pagpupulong sa Malacañang nitong katapusan lamang ng linggo.

Dagdag pa ni Sotto na nasa home quarantine pa siya at hindi nya matandaan na nakasalamuha nya si Yap.

“I’m still in home quarantine, though I don’t think I was exposed to him. The meeting with them was very short. The real meeting transpired in the office of (Executive Secretary Salvador Medialdea) and he (Yap) was not included. (Senator Pia Cayetano) said he (Yap) was wearing a mask most of the time except for a pic that’s why I did not see or recognize him.”– Sotto.



Bago pa man ito nangyari, pinahayag na ni Sotto na sumailalim na siya sa COVID-19 test noong March 16 sa tulong ng isang kaibigan mula sa private sector na mayroong testing kit na hindi pa naaprobahan ng Department of Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA).

Naitalang negatibo ang 71 taong gulang na senador sa kanyang March 16 test. Ngunit ng dahil sya ay mayroong tuyot na pag-ubo, at pamamaga ng lalamunan na ayon sa ulat ay tumagal na ng ilang araw, at dahil na rin sa edad nya at paglantad nya sa mga indibidwal na hinihinalang mayroong sakit, nagdesisyon siya na sumailalim sa isa pang pagsusuri.

Sa mga karagdagang ulat, si Yap ang kauna-unahang congressman na naging positibo sa sakit. Sa upper chamber naman, mayroong tatlong mambabatas na naging postibo rin sa COVID-19 – ito’y sina Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, senator Koko Pimentel, at Sonny Angara.
Samantala, isa rin si Senadora Pia Cayetano sa naging positibo sa COVID-19.