Friday, March 27, 2020

Nag-iisang Pasyente ng COVID-19 sa Cotabato, Gumaling Na!




MANILA, Philippines – Nagphayag ang Cotabato Regional Medical center nitong Huwebes lamang na ang nag-iisang pasyente ng COVID-19 sa kanilang lungsod ay gumaling na matapos ang dalawang linggong pag gamot dito.

Ayon sa physiciam at chief ng CRMC na si Helen Yambao, sinabi nya sa mga reporter sa isang press briefing na ang pasyente ay kumpirmado nang gumaling mula sa sakit at nakalabas na sa pagamutan, bagamat hindi nito sinabi kung ano ang pangalan ng pasyente.

Dagdag pa ni Yambao, meron pang apat na pasyente sa CRMC na nakahanay naman sa Person Under Monitoring (PUM).

“But we can't say yet if they are indeed COVID-19 patients for now.” – Yambao.
Ang pasyente na nakalabas na sa pag-gagamot ay isa sa 215 missionaries ng Islamic Tabligh na dumalo sa isang pagpupulong sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong buwan lamang. TInatalang mayroong 15,000 missionaries sa sinabing pagpupulong.

Isang Pilipinong Tablighs, na isang Maranaw naman ang nasawi na dumalo rin sa nasabing kaganapan sa Kuala Lumpur. Naiulat na ang Maranaw ay positbo sa coronavirus (COVID-19) at tuluyang binawian ng buhay sa Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City mahigit isang linggo na ang nakalipas.

Naihayag naman ng Bangsamoro regional government na nakilala nila ang 196 sa 215 na Pilipino Tablighs ang bumyahe sa Malaysia kumakailan lang.

Dagdag pa sa ulat, mahigit 15,000 Tablighs sa magkakaibang bansa ang nakilahok sa congregational gathering sa Kuala Lumpur, at daan-daang kasapi nito ang  natagpuang positibo sa COVID-19.
Ayon kay Asnin Pendatun na spokeman ng Bangsamoro Inter-Agency Task Force on COVID-19, nasa kanila na ang mga pangalan ng mga Pilipinong Tablighs na nagpunta sa Malaysia. Dagdag pa niya, sinusubukan na umano ng Bangsamoro regional government na hanapin ang mga nakalista.

“We have their names and their passport numbers.” – Ito ang pahayag ni Pendatun na Cabinet Secretary sa opisina ng Chief Minister Hadji Ahod Ebrahim ng Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao.

Ayon pa kay Pendatun, 35 sa 215 Pilipinong Tablighs na naklilahok sa malaking pagpupulong sa Malaysia ay galing sa probinsya ng BARMM.

Nakatala naman ang tulong ng Regional Police Office ng BARMM at ang military ng Western Mindanao Command pati na rin ang lokal ng gobyerno sa Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi sa paghahanap sa mga lokasyon ng mga Tablighs na tumangging magpasailalim sa isang medikal na eksaminasyon.