MANILA,
Philippines, March 27, 2020 – Umapila sa publiko si Senator
Richard Gordon para unawain si Senator Aquilino “Koko” Pimentel sa ginawang
paglabag sa hospital protocol sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019
(COVID-19).
"Kilala
ko si Koko. Matinong tao 'yan, hindi salbahe yan, hindi nang-aabuso. Huwag
naman nating pagpiyestahan," ito ang pahayag ni Gordon sa isang panayam sa
Dobol B sa News TV.
"Now is
not the time na magsisihan tayo. I think nag-apologize na 'yung tao. Alam mo,
bagong kasal 'yan at may anak siyang Cesarean ang mangyayari.” – Gordon.
Nabangit
naman ni Gordon na mali nga si Koko sa ginawa nya.
"Ang
daming taong umiikot na mayroong ganiyan, hindi lang ho senador 'yan. Pero
dapat talaga nagbigay siya ng magandang halimbawa." – Dagdag pa ni Gordon.
Ayon nman sa
paliwanag ni Pimentel, sinamahan nya ang kanyang asawa sa Makati Medical Center
(MMC) noong Martes ng gabi habang ang
resulta ng kanyang pagsusuri sa COVID-19 ay hindi pa nailalabas. Dagdag pa
niya, umalis naman agad suya sa ospital ng malaman nya na positibo sya sa
virus.
Tinuligsa
naman ng Makati Medical Center ang naging aksyon ng senador.
Samantala,
sumangayon naman si Health Secretary Duque III na nilabag ni Pimentel ang home
quarantine protocol ng pumunta siya sa ospital.
Humingi
naman si Pimentel ng paumanhin at haharapin naman niya umano ang mga reklamo
laban sa kanya.