MANILA,
Philippines – Umabot sa mahigit 11,000 na mga samples ang naitalang nasuri para
sa COVID-19 nitong Biyernes lamang – March 27, 2020 ayon sa ulat ng Department
of Health (DOH).
Ayon naman
sa direketor ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), ang saktong
bilang ng mga samples na ito ay umabot sa 11,466.
“According
to RITM (Research Institute for Tropical Medicine) Dir. Celia Carlos, the total
samples tested is 11,466,” – pahayag ni Duque sa GMA News Online.
Gayon pa
man, pinakita naman ng tracker sa COVID-19 ng DOH na ang isinasagawang
pagsusuri ay umabot sa 2,287 ngayong Biyernes din.
Nang
tanungin, pinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang
tracker counts ay ang bilang ng mga taong nasuri na, at hindi ito ang bilang
kung ilang pagsusuri ang ginawa.
Bukod dito,
pinaliwanag din ni Vergeire na hindi lamang isang beses, kundi maramihang
pagsusuri ang ginagawa sa isang indibidwal.
“When you
are admitted, sometimes doctors would order repeat tests for monitoring
purposes,” – Vergeire.
Kadalasan sa
mga pasyente, bukod sa dugo, ay sinusuri din ang iba pag mga bagay na maaring
makitaan ng sakit tulad ng ihi, dumi, laway, at kung ano pang lumalabas sa
katawan ng tao.
Hindi lang
isang beses sinusuri ang mga ito. Para sa kumpirmasyon ng sakit, kailangan ng
masusing pagsusuri at kung maari ay ulit-ulitin ito.
Samantala,
dagdag naman sa sinabi ng RITM, na ang tanging mga tao lamang na PUIs ang
mapapasailalim sa pagsusuri para sa kompirmasyon ng COVID-19 gayong limitado pa
ang suplay ng test kits sa bansa.
“PUI —if
with severe cases or those with mild symptoms, and elderly with underlying
conditions or pregnant [women] – Vergeire.
Sa
isinasagawang 2,287 na pagsusuri, 791 ang lumabas na negatibo habang 691 naman
ang nakabinbin pang mga resulta.
Update naman
mula sa DOH – may 93 bagong kaso ng COVID -19 at 803 na ang kabuoang bilang ng
kumpirmadong kaso. May 54 na ang nasawi at 31 naman na ang nakaligtas.