Saturday, March 28, 2020

PEOPLE's CHAMP MANNY PACQUIAO, Negatibo sa COVID-19 Test gamit ang Test Kit ng Korea





Manila, Philippines – Negatibo ang resulta ng pagsusuri sa COVID-19 kay Pinoy champion at Senator Manny Pacquiao nang gamitin nito ang test kit na nanggaling pa sa Korea. Ginanap ang pagsusuri nitong biyernes lamang ilang oras ang nakalipas matapos padalhan ng sulat ang Senador. 

Sa sulat, nakaasaad na ang senador, kasama ng kanyang pamilya at mga kasambahay na mag self-quarantine.

Idinitalye din sa sulat ang pagsalamuha ni Sen. Manny Pacquiao kay Sen. Koko Pimentel, at iba pang mambabatas sa isang pagpupulong at hapunan sa bakuran ng people’s champ base sa isang video.



Paliwanag naman ni Sen. Manny Pacquiao na ang hapunang yaon ay naganap noong March 4 pa at hindi nitong nakaraang dalawang linggo lamang na kung saan pinangangambahan ng nakararami sa kadahilanang ang incubation period ng COVID-19 ay umaabot ng dalawang linggo.

Gayon pa man, pinili pa rin ni Sen. Pacquiao na masuri gamit ang test kit na gawa sa Korea at ang naging resulta ay negatibo.

Dagdag dito, kagustuhan naman ng senador na magpasuri sa DOH para sa seguridad.

“Pero magpapa-test pa rin ako sa DOH para hindi sila mag-worry sa akin.” – Pahayag ni Sen. Pacquiao noong araw na pinangunahan niya ang pagbigay ng mga testing kits na donasyon naman ng bilyonaryong Chinese na si Jack Ma.



Nilinaw naman ni Sen. Pacquiao na ang testing kit na galing ng Korea ay hindi pa umano nalilinaw ng Department of Health (DOH). Bukod dito, ang nasabing testing kit ay hindi rin aprobado ng FDA sa Pilipinas ngunit ito na umano ang ginagamit na testing kit sa Korea sapagkat ito ay aprobado doon.

“Pero yan kasing test kit na ‘yan hindi pa approved ng FDA dito kasi wala pang nag-apply pero ‘yan ang ginagamit sa Korea at approved sa Korea ‘yan pero for the benefit of the doubt kaya magpa-test pa rin ako sa DOH doctor na approved ng FDA” – Sen. Pacquiao.



“The whole whole country will benefit from this donation and in the coming weeks, there’ll be more coming.” – Dagdag pa ni Sen Pacquaio sa donasyon ni Ma’ng testing kits na mgagamit sa Metro Manila at mga karatig probinsya.

“Regional offices of the DOH in the Visayas and Mindanao are also going to benefit from this.” – Sen Pacquaio.

Ayon pa sa Senador, siya at ang kanyang pamilya ay nananatili lang sa bahay nitong mga nakaraang linggo.