Saturday, March 28, 2020

MAAARING MAGBAGO ANG MGA PROTOCOL SA PAGLIPAS NG PANAHON - Pimentel




Manila, Philippines – Matapos labagin ni Pimentel ang community quarantine na sinulong ng gobyerno ay maari siyang maharap sa kaso. Nitong mga nakaraang araw lamang, nagbigay ng pahayag ang senador kung ano ang dahilan ng kanyang pagpunta sa Makati Medical Center (MMC), ngunit ito ay tinuligsa ng nasabing ospital gayong alam naman nito na nasa ilalim sya ng quarantine.

Noong Martes ng gabi lamang, sinamahan ni Pimentel ang kanyang asawa sa MMCl, at sa parehas ding araw, naiulat na positibo ang senador. Paliwanag naman ni Pimentel, ng natanggap nya ang kumpermasyon galing sa DOH ay agad itong umalis ng esablisyemento.


Marami ang nadismaya sa naging aksyon ng senador dahil bykod sa paglabag sa kwaranteenas, dagdag umano ito sa bigat na dinadanas ng mga tao sa gitna ng banta ng COVID-19.

Nito lamang Biyernes, pahayag ng senador na ang nasabing protocol ay maaring “nagbago sa paglipas ng panahon.”

“I will respond to their specific allegations in due time after we read them and compare [them with] what’s in the law,” – Ito ang pahayag ni Pimentel sa isang minsahe nya sa Viber nang tanongin sya kung ano ang posibleng kaso na maisasampa laban sa kanya.


“We are in an entirely new environment where everything is in a state of flux. I believe even the so-called protocols have changed over time. Everything will be clarified in due time,” dagdag ni Pimentel.

Inamin naman ni Pimentel na nagkamali sya sa kanyang naging aksyon at dahil dito, humingi ang senador ng paumanhin sa MMC at hiniling nya ang pag-unawa ng naturang ospital. Hindi nya intension umano na ilagay sa langanin ang kaligtasan ng mga health workers at iba pang mga tao ng dalhin nya ang kanyang asawa.


Sa ilalim ng Republic Act No. 11332, ang isang tao ay maaring maharap sa anim (6) na taong pagkakabilanggo kung mabibigo ang panukalang ito - “report and/or respond to notifiable diseases or health events of public concern.”

Samantala, sa pahayag ng MMC medical director na si Dr. Saturnino Javier, hindi umano sinabi ni Pimentel sa ospital na nasa ilalim na ang sya ng quarantine at mayroon na itong mga sintomas ng COVID-19.

Naiulat naman na handa ang senador na sagutin ang lahat ng reklamo sa kanya.