Saturday, March 28, 2020

593 health workers, nagbulontaryo para sugpuin ang COVID-19



Manila, Philippines – Nagpahayag ang Department of Health (DOH) nitong sabado lamang na mayroong 593 health workers ang nagbulontaryo na tulongan ang mga ospital na gamutin ang mga pasyente ng COVID-19 sa loob lamang ng isang buwan.

“As of 6 p.m. we now have 593 who have signed up to help in our fight against COVID-19,” ito ang sabi ni Health Undersecretary Dr. Rosette Vergeire sa isang press briefing.

Kumakailan lang, nagsimulang maghanap ang DOH ng mga lisensyadong doktor at nurse na may kagustohang magbulontaryo sa pagtulong sa mga ospital. Ang mga ito ay nasabing babayaran ng P500 kada araw na may walong oras na trabaho.

Samantala, humingi naman ng paumanhin ang DOH sa nasabing halaga ng allowance ng mga health workers.

Sa social media naman, ang ibang netizens ay nagreklamo kung bakit napakaliit ng nasabing allowance para sa mga nagbulontaryo.

“This is not far from reality. I am also a doctor and our department knows how important it is to be a health worker especially during these times,” sabi ni Vergeire.

Dagdag pa aniya, ang nasabing P500 ay parte ng kanilang protocol at binase lang umano ng departamento ang halaga sa kumpensasyon na ibinigay sa mga nagbulontaryo na tumulong bilang pag tugon sa outbreak noon.

Pahayag pa ni Vergeire na ang pondo ay nakalaan na para sa pagkuha ng mga personal protective equipment (PPEs).

Ayon pa sa kanya, sinusuri pa ang alokasyon ng dagdag pondo na inaprobahan naman ng Congress para sa DOH.

“Now that the Congress has given us supplemental budget, we will allocate these funds to important areas such as compensation for health workers, PPEs, COVID-19 response from Philhealth and improvement of health facilities.” – Vergeire.

Sa panahon ng krisis, ang ating bansa ay talagang nangangailangan ng mga frontliners para maibsan ang pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng virus. Pero sa kabila ng lahat ng ito, bigyan natin ng pasasalamat ang mga nagbulontaryo sapagkat ang kanilang adhikain ay hindi matutumbasan ng kahit na anong pa mang materyal na bagay.