Sunday, March 29, 2020

Manny Pacquiao: GOD IS IN CONTROL; Nagpasalamit din sa mga Pilipino




MANILA, Philippines – Kumakailan lang, sumailalim ang pambansang kamao at senador Manny Pacquiao sa isang COVID-19 test kung saan lumabas na siya ay negatibo. Sa resultang ito, nagbigay ng mensahe ang senador sa isang media platform ng isang pasasalamat sa mga Pilipino sa pagsunod sa mga panukala ng gobyerno.

Kilala si Senator Manny Pacquiao sa kanyang pananampalaya at pinaalalahanan nya ang sambayanang Pilipino na sa gitna ng nararanasang krisis ng bansa, dapat magtiwala ang mga tao sa Diyos.

“Magtiwala lang po tayo na ang Panginoon nag gagabay palagi sa atin. God is in control” – Pahayag ni Manny sa video.

Bukod dito, pinasalamatan nya din ang Chinese Billionaire Jack Ma, na isa ring malapit na kaibigan ng fighting senator. Nitong mga nakaraang linggo, si Ma ay nagbigay ng 57,000 testing kits at 500,000 face naman bilang donasyon sa mga frontliners ng ating bansa.

Kasalukuyang naka kwarantenas ang pamilya ng senador sa kanilang tahanan sa Makati City village kung saan sila kasalukuyang nanunuluyan kahit na ang senador ay nabalitang negatibo sa sakit.
Samantala, si senador Pimentel naman na natagpuang positibo sa COVID-19 ay nai-ulat na dumalo sa isang kasiyahan kasama si Pacquiao nitong mga nakaraang linggo.

May mga nagbigay rin ng komento kay Pacquiao bilang pagpuri sa kanyang ginawa.

“Way to go Sen Manny! Ngayon talaga makikita kung sino ang nagmamalasakit sa bansa at sa mga Pilipino. Isa ka dun. Unlike yung mga kasamahan mo sa senado ng mga pa-epal lang. Kapag nag tweet at nag FB akala nila nakatulong sila.” – pahayag ng isang netizens sa kanyang tweet.
May mga ilan din namang hindi natutuwa sa senador at imbis na magpasalamat na lang ay nagawa pang mambatikos.