MANILA,
Philippines – Isang inkwentro ang naganap sa gitna ng NPA at mga sundalo ng
military na ikinasawi ng dalawang katao. Isang myembro ng New People’s Army at
isang sundalo ng gobyerno ang naiulat na nasawi sa insidenteng ito sa gitna ng
krisis ng bansa dahil sa COVID-19.
Kumakailan
lang, nagdeklara ang gobyerno ng ceasefire ilang araw matapos ang simula ng
lockdown sa buong Luzon. Gayon din naman ang Communist Party of the Philippines ilang araw matapos ang deklarasyon ng gobyerno, ay nag-utos din ng ceasefire sa pwersa nitong NPA.
Ayon sa
ulat, nagpahayag si AFP Chief General Filemon Santos Jr. na naunang inatake ng
mga NPA ang mga sundalong nagseserbisyo para sa community work sa Sitio Malasya
Uyungan, Brgy. Puray.
“We were
able to repel the attack, which turns out to be the NPA’s futile attempt to
project relevance and power… They were planning to celebrate their anniversary
on March 29 with a bang.”- Santos.
Siniwalat
naman ng mga residente sa kanilang community support program team (CSP) na
merong mga rebelde sa kanilang lugar at pati na rin ang planong pag-atake ng
mga ito sa mga sundalo ng gobyerno. Ito at base sa ulat ng Army 2nd Infantry
Division.
Ayon pa sa
ulat, dakong alas-3 ng hapon, March 29, ng magkaroon ng ikwentro ang 18
miyembro ng CSP sa mga NPA na tinatalang mayroong 30 miyembrong rebelde.
Dagdag pa
dito, bukod sa mga nasawi, ay may mga sugatan din na dalawang sundalo.
Nakuha naman
sa lugar ng insedente ang ilang mga armas kagaya ng M16 rifle, rifle grenade,
jungle pack, Granada, at mga dokumento.
Nagdeklara
ang gobyerno ng ceasefire noong March 16 na magsisimula naman sa March 19,
upang matigil muna ang opensibang operasyon ng military ng gobyerno sa mga
rebeldeng NPA, at para na rin makapagbigay ng serbisyo ang military sa nasabing
enhanced community quarantine ng sa gayon ay mapigilan ang pagkalat ng COVID-19
sa bansa.
Nagdeklara
ang CPP sa NPA ng ceasefire noong March 24 na nagsimula noong March 26 at aabot
hanggang April 15 lamang.
Sinunod
naman ng sundalo ng gobyerno ang deklarasyon ngunit pinanatiling handa ang
military sa posibleng pag atake ng mga rebelde ayon kay Major General Arnulfo
Marcelo Burgos Jr.
“We will
adhere to the provisions of the unilateral ceasefire without prejudice to the
safety and security of the people in our communities.” – Burgos.