Wednesday, March 18, 2020

Mayor Sara Duterte-Carpio, Ipagpapatuloy ang Self-Quarantine Dahil sa Kaso ni Zubiri



March 18, MANILA, Philippines – Sinabi ni Davao City Mayor at Presidential Daughter Sara Duterte-Carpio nito lamang Miyerkules na ipagpapatuloy nito ang self-quarantine sa kadahilanang nagkaroon sya ng direktang kontak kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kung saan naman nasuri na positibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa isang panayam sa Unang Balita, pahayag ni Sara Duterte-Carpio na ang pagpapatuloy ng kanyang self-quarantine ay isang pagsunod lamang na ipinayo sa kanya ng kanyang doctor.


“I had a close contact with Senator Zubiri, kaya sabi ng doctor tapusin ko ang 14-day quarantine which ends on March 26. Fourteen days kasi ang incubation period ng virus. Kung magkaroon ako ng sintomas sa 14 days, magiging PUI ako,”- Sara Duterte.

Noong Marso 11, nagpunta si Sara Duterte sa Senado para dumalo sa Commission on Appointments (CA) para sa pagdinig ng pagtalaga sa kanya bilang isang Army Reserve Colonel. Ang nasabing pagpupulong na ito ay binubuo ng miyembro ng Senado at House of the Representatives.


Nito lamang Marso 16, nai-anunsyo na positibo sa nasabing COVID-19 si Zubiri.
Sa ngayon, nilinaw naman ni Sara Duterte na hindi muna sya magpapasailalim sa test para sa COVID-19 sa kadahilanang limitado pa sa ngayon ang bilang ng test kits.

“Hindi na muna kasi naiintindihan ko naman ang limitation natin sa testing kits, so doon na lang [muna ang testing] sa critical and severe patients.” 


Sa mga nakaraang update, lalong tumataas ang bilang ng mga nakikitaan ng sintomas ng COVID-19. Nitong March 18 lamang, tumala ng halos 187 na kaso at naiulat na 12 ang nasawi sa mga ito.

Gayon din naman, mas lalong pinaigting ang paghihigpit ng gobyerno sa pagpapatupad ng community quarantine. Pinapayuhan ang lahat ng Pilipino na kung maari, para hindi lumala ang sitwasyon, ay wag munang masyadong gumala. Ang self quarantine ay isang mabisang paraan para walang malipatan ang nasabing virus. Sa ganitong paraan, maaampawan ang pagkalat nito.