Wednesday, March 18, 2020

Tweet ni Frankie Pangilinan - "Why Military Force is Necessary? are guns supposed to kill the virus?” sa Gitna ng COVID-19





MANILA, Philippines – Si Frankie Pangilinan, anak ni “Kiko” Pangilinan na isang senador ng Pilipinas, ay kinakanta-kanta ang isang sound track sa pelikula ng Disney movie na pinamagatang “Tangled” na kung saan pinagbibidahan ito ng punong karakter na si Repunzel. Pinakita ni Frankie kung paano maging produktibo habang mag-isa lang sa isang lugar. Bukod dito, naging tsansa na rin ito kay Pangilinan nag kwenstyonin kung bakit nasangkot o nai-sama ang military sa pag-harap sa COVID-19.



Sa isa pang kanta sa pelikulang Tagled, ang kantang “when will my life begin”, na isang masayang kanta, naghubog si Pangilinan ng iilang liriko kung saan tinutukoy ang mga health workers pati na rin ang pagtatanong kung kailangan ba ng pwersa ng militar. Nai-tweet ito ni Pangilinan noong March 17 ng kasalukoyang taon.

Nagdeklara ang Pangulong Duterte noong Huwebes, March 12, ng community quarantine sa buong Metro Manila na himukin ang publikong sumunod sa derektiba ng awtoridad, kasama na dito ang mga kapulisan at militar. Pagkatapos naman ng ilang araw, tinalaga na ng Pangulo ang buong Luzon na sumailalim sa enhanced community quarantine upang maagapan at mapigilan naman ang pagkalat ng virus.



Dito sa enhanced quarantine, nakasaad ang pag-lock down ng buong Luzon kung saan ang mga mamamayan na nakapailalim dito ay dapat na manatili sa loob ng bahay; ang pagsuspinde ng mga transportasyon tulad ng jeep, bus, LRT, MRT atbp.; Ang pag control sa mga serbisyo ng pagkain at kalusogan, kung saan naman dito, dapat isara pansamantala ang mga establisyemento na hindi nagseserbisyo ng pangunahing kailangan; karagdagang kapulisan at military para sa maigting na pagpapatupad ng kwarantenas. Sa panahong ito, maaring ma-aresto ang mga lumabag sa panuntunan.



Nilnaw naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pag tatalaga ng mga kapulisan at military ay hindi nangangahulogang’ nasa ilalim ng martial law ang bansa. Pinalawak umano ng Pangulo ang kapulisan at military para sa pagsasa-ayos at mapanatili ang peace and order.

Samantala, sa tweet naman ni Frankie Pangilinan - “So I’ll read a book or maybe two or three I’ll add a few new paintings to my gallery I’ll play guitar and knit and cook and basically just wondering how are our health workers?”

“Why is military force necessary? Are guns supposed to kill the virus? 
ANUBA TALAGA?” – nakasaad sa tweet ni Frankie.


Link on the Photo