MANILA, Philippines – Dalawang Senador ang tumangging
magpasailalim sa isang coronavirus test kahit nabalita nang naging positibo sa
COVID-19 ang isa sa kanilang kasama. Nabangit din ng Department of Health (DOH)
na meron silang polisiyang mas bigyan ng pansin ang mga matatanda na at ang mga
pasyenteng may sintomas na sa kadahilanang limitado lang ang suplay ng nasabing
test kits. Subalit, tuloy-tuloy naman umano ang pag-dating ng mga test kits na
donasyon galing sa ibang bansa.
Ang dalawang senador na sina Francis “Kiko” Pangilinan at si
Risa Hontiveros ay piniling wag magpa-test matapos namang sabihin ng Senate
President Vicente Sotto III na dapat suriin lahat ng mga senador para sa
COVID-19 kahit na ang mga ito ay wala pang sintomas. Nangyari umano ito dahil
sa nangyari kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na kumakailan lang ay
naging positibo sa COVID-19.
Pahayag naman ng isang staff ni Hontiveros sa isang text
message, sumusunod naman daw ang senadora sa mga protocol at bukod dito, hindi
naman umano sya nakikitaan ng sintomas. Nagpahayag ng kasagutan ang staff ng
tanongin sya tungkol sa senadora kung isa ba sya sa mga senador na sumailalaim sa
COVID-19 test sa opisina ni Sotto noong March 17, 2020 lamang.
"She
is under self-quarantine after Sen. Migz tested positive for COVID-19," –
pahayag pa ng staff ni Hontiveros.
Samantala,
si Pangilinan naman ay sumunod sa nasabing protocol ng DOH at hindi na
nagpasailalim sa test sa kadahilanang hindi umano ito nakikitaan ng mga sintomas.
Mangilan-ngilan
ding matataas na opisyales ng gobyerno kasama ng kanilang kamag-anak ang
sumailalim sa pagsusuri gaya ng Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang kanyan
pamilya. Bukod dito, sumailalim din sa pagsusuri ang mga miyembro ng cabinet at
mga mambabatas kahit na ang mga ito ay hindi nakikitaan ng sintomas.
Ang
mga senador na sumailalim na sa pagsusuri ng COVID-19 ay sina: Grace Poe,
Sotto, Pia Cayetano, Imee Marcos, Bong Revilla at Francis Toletino. Kasama rin
sa kanilang hanay si Senate Sergeant-at-Arms Rene Samonte. Samantalang sina
Ping Lacson at Gordon naman ay nabalitang nagpasuri na pero sa hiwalay na
lugar.
Nitong
nakaraang linggo lamang, lumabas ang resulta kina Gatchalian, Nancy Binay, at
Chirstopher Bong Go na isang negatibo sa COVID-19.