Manila, Philippines – Sa gitna ng paglaki ng bilang ng mga
naapektohan ng coronavirus, nagbigay ng talumpati ang Pangulong Rodrigo Duterte
tungkol sa community quarantine. Para mas maging maayos ang lahat, nabangit ng
Pangulo ang kilusang makakaliwa na kung maari ay wag munang isipin ang
conflict.
"'Wag ninyo munang galawin ang
mga sundalo. Ano muna tayo, ceasefire lang. Ceasefire muna tayo. Ako na ang
nanghihingi," sabi Pangulong Duterte sa kanyang talumpati noong March 16.
"Kindly give me that... if you
really want that we will be at all times on talking terms, in this time of
crisis," dagdag pa ng Pangulo.
Samantala, hindi naman ito pinansin
ng mga makakaliwa. Ayon sa pahayag ni Jose Maria “Joma” Sison na founder ng
Communist Party of the Philippines, ang nasabing talumpati umano ng Pangulo ay “premature”,
o ‘di kaya ay walang katiyakan at mali.
Dagdag pa niya, wala daw malinaw na
basihan para sa National Democratic Front of the Philippines na rumesponde sa
nasabing deklarasyon ng Pangulo.
"The NDFP is not assured and
satisfied that the reciprocal unilateral ceasefires are based on national unity
against COVID-19, the appropriate solution of the pandemic as a medical problem
and protection of the most vulnerable sectors of the population, including
workers, health workers, those with any serious ailments and the political
prisoners," pahayag ni Sison nitong Miyerkules lamang.
Dagdag naman ni Sison, pagaaralan
pa ng NDFP na nagrerepresenta naman ng mga rebelde ang panukala ng pangulong
negosasyon para sa kapayapaan.
Ang nasabing unilateral ceasefire
ay eepekto ngayong Huwebes, March 19, at mananatili ang kapayapaan hanggang
April 15.
Ayon naman kay Presidential
Spokesman Salvador Panelo, nagbigay na nag direktiba ang Pangulo sa Department
of National Defense at Department of the Interior Local Government kasama ang
Armed Forces of the Phippines at PNP na itigil ang mga agresibong operasyon ng military at kapulisan habang ceasefire period
pa.
"The President has directed
the Department of National Defense and the Department of the Interior and Local
Government, together with the Armed Forces of the Philippines and the
Philippine National Police to cease and desist from carrying out offensive
military and police operations during the ceasefire period," sabi
ni Salvador Panelo.
Dagdag pa ni Panelo, maglalabas
naman umano ng pag suspende ng Offensive Military and Police Operations sa
lalong madaling panahon.