MANILA, Philippines – Hindi ikinatuwa ng komedyanteng si
Pokwang ang mga komento ng ibang netizens tungkol sa kanyang pag-kawang gawa na
magbigay ng tulong sa mga frontliners ng Pilipinas laban sa COVID-19.
Nitong nakaraang linggo lamang, si Marietta Subong, o kilala
bilang Pokwang, ay gumawa ng paraan para mapanatili ang maganda at positibong emosyon
sa likod ng “lockdown” na nangyari sa buong Luzon. Imbes na magpadala sa takot,
mas inuna ni Pokwang ang pagbibigay salamat sa mga nagtratrabaho bilang
frontliners. Bukod dito, naghanda ang artista ng mga pagkain para ibigay sa mga
military na nagbabantay sa mga checkpoints. Dagdag pa ang kanyang kagustohang
bigyan ng mga de lata at bigas ang mga kababayan nating hikahos sa buhay.
Ano nga ba’t napakaganda ang nagawa ni Pokwang para sa
mamamayang Pilipino, ngunit kumakailan lang, mayroon iilang netizens na imbes
na matuwa at magpasalamat eh kung ano-anong hindi kaaya-ayang salita pa ang
kanilang binitawan.
Natural lamang na magalit ang artista sapagkat imbis na ang
gawin ng mga netizens na ito ay tumulong, mas dinadagdagan pa nila ang bigat na
dulot ng sakit na COVID-19. Hindi na napigilan ng artista na sumagot pabalik sa
kanyang mga bashers.
“READ THIS MGA
ANIMAL!!!! NAIIYAK AKO SA GALIT SA INYO!!! SA GANITO PA TALAGANG PANAHON???
HAA??? SA GANITONG PANAHON MGA KAMPON NG BASHERS NA SATANAS???? NGAYON PA
TALAGA??? HINDI ITO ANG TAMANG ORAS!!!” - Caption ni Pokwang sa kanyang Facebook Page.
“Damned if you do damned if you don’t, sa mga nakukunssensya sa
mga post ko ng pagtulong and calling me papansin, hahahahaaa problema nyo
nayan! Pumikit nalang kayo at manalangin! Yan nalang sana maintulong nyo sa
bayan natin POTAH KAYO!” - nakasaad sa kanyang post.
Isa rin sa ginawang halimbawa ng aktres ang isang pagkakataon na
pinasalamatan nya ang isang guwardiya sa isang subdebisyon at mga maintenance
staff kasama ng kanyang mga kasambahay.
Sa mga ganitong pagkakataon, talaga nmang hindi maganda ang naidudulot ng pangba-bash lalo na't ang isang tao ay masugid na tumutulong sa komunidad.