Thursday, March 19, 2020

Ibabalik ng San Miguel ang Nutribun para sa Kumunidad na Nasalanta ng COVID-19




Sa gitna ng krisis ng mga pangunahing pangangailangan ng mga mamayan, ibinalik ng Conglomerate San Miguel Corp. (SMC) ang paggawa ng Nutribun. Para sa kaalaman ng nakararami, ang nutribun ay isang tinapay na siksik sa bitamina at mainam ito para mapanatili ang kalusugan n gating katawan. Ito ay naiulat na ipapamigay sa mga grupo na nagkakawanggawa na makatulong at sa mga lugar sa Metro Manila kung saan ang mga pamilya ng nasasakupang lugar ay magkaroon ng abot kamay na pagkain sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa ulat, ang unang pangkat ng Nutribuns ay ibibigay sa Caritas Manila habang patuloy naman ang pag hahatid ng mga SMC food product tulad ng mga de-lata, kape, at biskwit sa mga checkpoints at ospital sa loob ng Metro Manila.

Sa pahayag ng SMC president and chief operating officer na si Ramon Ang, ang nasabing Nutribun ay siksik sa sustansya na makapagbibigay ng enerhiya sa katawan ng tao.
“This is safe, sufficient and nutritious food for the hardest-hit families facing hunger as a result of the COVID-19 crisis,” sabi ni Ang.

Kung ating maalala pa o naabutan noong 70s, ang Nutribun ay ay pangunahing pinamimigay sa mga pampublikong paaralan bilang isang kumpletong pagkain para maibsan ang malnutrisyon ng bansa.
“We will continue to step up and find creative ways to help the neediest and most vulnerable. Panic will not solve anything. We have the means, we just have to work together to win this battle,” dagdag pa ni Ang.

Nagsimula na ang pagbibigay donasyon sa siyudad ng Manila kasama ang iba pang mga siyudad at mga ospital. Kasama rin sa mga makakatanggap nito ang mga frontliners ng bansa. Bukod dito, ang mga sumusunod ay makakakuha din ng donasyon:

Philippine General Hospital
Philippine Children’s Medical Center
Quirino Memorial Medical Center
Jose Reyes Memorial Medical Center
Las Pinas General Hospital
St. Luke’s Medical Center
The Medical City
Mandaluyong LGU
Paranaque LGU
Eastern Police District
Northern Police District
Camp Karingal

Minabuti na rin ng SMC na tutukan ang mga komunidad at ospital sa National Capital Region (NCR) kung saan marami na ang naitalang may kaso ng COVID-19.