Tuesday, April 14, 2020

Summon, iIalabas ngayong Martes para kay Pimentel sa paglabag nito sa quarantine



Manila, Philippines – Kinumpirma sa CNN Philippines ni Prosecutor General Benedicto Malcontento ang isang summon na ilalabas ngayong Martes (April 14) para kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa paglabag nito sa quarantine protocol.



Ayon kay Malcontento, ang paunang imbistigasyon sa isinampang kaso ng former dean ng Universty of Makati law at ng abogadong si Rico Quincho ay pansamantalang nakatalaga sa May 20.

Sabi naman ni Quicho, si Pimentel -  na sinamahan ang kanyang asawa na manganganak na sa Makati Medical Center (MMC) kahit na ang senador ay nasa ilalim pa ng home quarantine matapos masuri sa coronavirus. Nasabing nilabag ng senador ang batas sa hindi pagsisiwalat ng estado ng kanyang kalusugan at paglabag na rin sa patnubay ng Luzon-wide enhanced community quarantine.



Kumakailan lang, nakumpirma na positibo ang senador sa COVID-19 at expose ito sa ilang mga health workers sa ospital at mga taohan ng S&R.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Quicho na nakatanggap siya ng utos mula sa Justice Department na magpakita sa loob ng limang araw pagkatapos mai-angat ang quarantine upang magbigay ng hard copy ng reklamo laban kay Pimentel kasabay na rin ng kanyang panunumpa.



Samantala, ang mga dalubhasa sa legalidad ay nagsabing mamumultahan si Pimentel ng hanggang P50,000 o pagkabilanggo ng isa hanggang anim na buwan sa pagkabigo nitong ibunyag na siya ay pinaghihinalaang merong COVID-19. Para naman sa paglabag ng senador sa enhanced community quarantine, ang multa ay aabot sa P10,000 hanggang P50,000 o pagkabilanggo na aabot ng taon.



Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang kanyang departamento ay agad-agad  na mag skedyul ng paunang imbistigasyon sa tamang oras sa kadahilanang nakapailalim pa ang buong Luzon sa enhanced community quarantine. Nanumpa naman si Guevarra na walang kikilingan.

Humingi naman ng tawad si Pimentel sa kanyang ginawa, aniya, ang kanyang pagpunta sa ospital ay napaka iportante.