Wednesday, April 15, 2020

Mayor Sara Duterte, Ibibigay ang Sahod bilang Donasyon sa mga Frontliners na Positibo sa COVID-19



Manila, Philippines – Magbibigay ng donasyon si Presidential Daughter Davao Mayor Sara Duterte ng kanyang isang sahod bilang tulong sa frontliners ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) na nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).



Ibibigay ng alkalde ng Davao ang kanyang isang taong sahod na nagkakahalaga ng P2.1 million sa isang trust fund.

"Pagkabasa nako sa announcement ni Dr. Vega nga 12 kabuok [nagpositibo], nagsakit akoang dughan. So naghuna-huna ko what I can do para sa ilaha (When I read the announcement of Dr. Vega that there were 12 [who tested positive] I was heartbroken, so I thought of what I can do for them)," sabi ni Sara Duterte sa kanyang pahayag.



Sabi naman ni SPMC chief Dr. Leopoldo Vega na postibo naman sa virus ang 12 SPMC health workers na kung saan 11 sa mga ito ang naiulat na nakarecover.

Ayon pa kay Maryo Sara Duterte, ang bawat isang SPMC frontliner na naging positibo sa virus ay makakatanggap ng P50,000. Dagdag pa aniya, ang tulong na salapi ay makakatulong sa kanilang ibang isipin.

"But at least man lang they have money to buy things that would make them feel better," sabi ni Sara Duterte.
Nitong Lunes lamang, naiulat na tumataas pa ang bilang ng mga naisuring positibo sa nasabing sakit. Tumataas din naman ang bilang ng mga naka recover na.