Wednesday, April 15, 2020

Hindi Pinagbawalan si Angel Locsin na Mag-Donate ng Misting Tents - DOH



Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) nitong Lunes (April 13, 2020)  na hindi nila pinagbawalan ang aktres na si Angel Locsin sa pagbibigay ng misting tents bilang donasyon na ang sabi umano, ang mga donasyong ito ay inalis sa Philippine General Hospital sa kadahilanang makakasama ito sa mga tao.

Subalit, ang sabi-sabing yaon ay pinabulaanan naman ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Ito pong misting tents sa PGH ay binigay po through the donation ni Ms. Angel Locsin… she was not prohibited from making donations of misting tents by DOH, hindi po siya pinagbawalan, contrary po dun sa lumalabas ngayon,” pahayag ni Vergeire sa isang virtual press briefing nitong Lunes.

Ang binigay na donasyon ng aktres sa PGH ay kasalukuyang inalis ng administrasyon ng ospital dahil sa direktiba ng DOH laban sa pag spray ng disinfectant.

“Napagutos na po ng pamunuan ng Philippine General Hospital na tanggalin na po ang misting tents mula nung narinig po nila ang anunsyo ng Department of Health,” ayon pa kay Vergeire.
PInagiingat naman ng DOH ang mga tao sa pag spray ng disinfectants sapagkat ito ay walang ibedensya na nakakasugpo ng virus.

Dagdag pa dito, na ang aksyong ito ay magbibigay lamang ng hindi magandang resulta tulad ng pagkairita ng balat at paglanghap ng mga kemikal.

Nilinaw pa ni Vergeire na hindi umano inalis ang mga misting tents na ginamit ng mga healthcare workers na nakasuot ng PPE. Ang tanging misting tents na bawal lang ay yaong mga may masamang epekto sa tao.

“Ang mga misting tents po na ating pinagbawalan ay yun pong magkakaroon ng harmful effects sa ating mga kababayan kapag ginawa po na directly sa kanila,” ayon kay Vergeire.
Dagdag pa ni Vergeire, kasalukuyang ginagamit ang mga misting tents ng mga health workers nan aka PPE.

“Pero yung misting tents na ginagamit ng ating healthcare workers, lalung lalo na pagka sila ay naka-PPE, ay nagagamit pa rin at nandun pa rin sa ating mga facilities,” sabi ni Vergeire.

Ayon pa kay Vergeire, nakipag-ugnayan na rin ang DOH kay Angel Locsin tungkol sa misting tents.

“Siya po ay sumusunod sa mga pamantayan at protocol ng Department of Health pagdating sa mga dino-donate niyang mga produkto o mga equipment or supplies so dahil diyan po napapasalamat po kami sa lahat po ng nagbibigay ng mga nagdo-donate.” – Vergeire.