February 25, 2020, MANILA, Philippines – Kahapon, nakiusap sa
Korte Suprema ang ABS-CBN na baliwalain ang petisyong quo warranto na inihain
ng opisina ng Solicitor General sa kadahilanang may sapat na kakakayahang
bawiin ang kanilang prangkisa ng kongreso lamang.
Sa 58 na pahina ng komento (Comment Ad Cautelam), nakiusap ang
ABS-CBN Corp. at ang ABS-CBN Convergence Inc. sa mataas na hukuman na tanggihan
neto ang aplikasyon ng OSG para sa TRO. Dagdag pa dito, ang mga respondente ay
nakiusap na rin na baliwalain pati ang mga naunang kadahilanan base sa mga isyu
ng nasabing network.
Ayon sa pahayag ng ABS-CBN, ang petisyon para sa quo warranto na
sumasailalim sa Rule 66 ng 1997 Rules of Civil Procedure ay hindi dapat umabot
sa pang-aabuso at maling pag gamit ng isang pambatasang prangkisa.
Dagdag pa
dito, ang kongreso ang syang binigyan ng kapangyarihan na bawiin ang nasabing
prangkisa sa mga respondente. Nakasaad din na ang pagtanggap ng petisyon ay
paglabag sa doktrina na nagsasaad na ang kapangyarihang pampulitika ay dapat na
nahahati sa pagitan ng ilang mga katawan o opisyal ng estado.
“The petition must be dismissed
outright. This Honorable Court does not have jurisdiction to revoke or forfeit
respondents’ legislative franchises under the above-mentioned rule relied
upon,” ABS-CBN said.
“Also, assuming that the
respondents committed the violations alleged in the petition, the Republic’s
remedy lies before administrative tribunals,” the network added.
Naniniwala din naman ang mga grupo
ng media na ang petisyon ng QW ay nagkulang sa merito sa kadahilanang ang
ABS-CBN ay hindi nilabag ang kanilang prangkisa ng mag alok eto ng Kapamilya
Box Office (KBO).
Dagdag pa aniya, hindi rin eto
lumabag sa tinatawag na foreign ownership na sumasailalim naman sa kunstitusyon o sa mga kundisyon ng
prangkisa ng ABS-CBN. Pinaliwanag din ng mga respondent na ang Philippine
Depository Receipts ay rehistrado at aprobado ng Securities and Exchange
Commission noong 1991 at 2014 bago pa eto ibenta sa publiko.