Manila, Philippines, February 24, 2020 – Humingi ng paumanhin ang Presidente ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak netong lunes lamang kaugnay sa hindi pagsasa-ere ng political ads ng Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 election. Ang nasabing ads ay nagkakahalaga ng P7 million pesos.
Sa pagdinig sa senado netong lunes, nabuksan na ang usapin tungkol
sa prankisa ng nasabing network na gusto namang bawiin ni Solicitor General
Jose Calida. Eto ay dahil sa ilang bilang ng paglabag neto sa kanilang
prankisa.
Inihayag naman ni Katigbak ang paglilinaw sa issue kung bakit
hindi nai-ere ang ilan sa mga advertisement ng Pangulo. Nasabi nya na ang panig
o ang kampo ng Pangulo ay bumili ng commercial spot na nagkakahalaga ng P182
million. Hinati eto at naglaan ng P117 million para sa national ads na kung saan
lahat daw eto ay nai-ere. Bukod dito, nakalaan naman ang natirang P65 million para sa
local ads na para naman sa mga probinsyang tinutudla.
Ayon kay Katigbak - "Our policy on all our ads is
first-come, first-served. Many of these spots were ordered on May 3, and May 7
was the last day of the campaign period. There had been many previous telecast
orders that came in ahead."
Pinaliwanag nya na ang nakalaang
slot para sa local na patalastas ay hanggang dalawang minute lamang kada oras
kaya hindi daw neto mahanapan kung kelan ilalabas ang ads ng Pangulo sa mga
panahong yaon. Dagdag pa ni Katigbak, ibinalik nila ang P4 million sa Pangulo
ngunit naantala ang P2.6 million para sa kampo ng Pangulo. Dagdag pa dito,
tumangi daw ang kampo na tanggapin ang naantalang refund.
Samantala, sina Migz Subiri at
Francis Pangilinan ay nagsabi naman na kahit ang mga ads nila ay hindi rin daw
nai-ere noong nakaraang eleksyon. Pahayag nila - "May hinanakit
din kami, pero hindi natin dadalhin sa usapin na mawawalan ng trabaho ang
11,000 na kababayan natin.”
Ang mga naging pahayag ng dalawang
senator ay wala namang koneksyon sa nasabing quo warranto na inihain ng SolGen.
Sa kalaunan, humingi ng paumanhin
ang Presidente ng ABS-CBN - "We acknowledge our shortcoming in our failure to release
that refund in a timely manner."
"We are sorry if we offended the President. That was not
the intention of the network. We felt that we were just abiding by regulations
that surround the airing of political ads." – Dagdag pa niya.