Ang nakabinbin sa
kulungan na si Senator Leila De Lima ay nagsabing sya daw ay malaya na. Eto ay
hindi bilang isang biktima kundi isang tagapag-tanggol daw ng karapatang pantao
ng mga Pilipino.
Sa ngayon, ang Senator
ay mag-tatatlong taon na sa bilanguan dahil sa kaso neto na may kaugnayan sa
droga. Naitala na eto ay sumuko sa mga awtoridad noong February 24, 2017
matapos syang hainan ng Philippine National Police Criminal Investigation and
Detection Group ng warrant of arrest na inilabas naman ng korte ng Muntinlupa.
Ayon naman sa pahayag ni
De Lima, malaya ang kanyang isipan sa ngayon dahil sa paniniwalang buo pa rin
ang kanyang dignidad at ang kanyang kagustohang portektahan ang kalayaan at
interes ng mga Pilipino.
Eto ang naging pahayag
nya sa kanyang bungad sa International Forum on Lawfare: Weaponizing the Law vs
Democratic Dissent noong Biyernes - “Today, I declare myself free. For though I
may be physically detained, my mind is freer than it has ever been; my dignity
is intact; and my will to fight to protect the freedom and interests of the
Filipino people is stronger than ever.”
Dagdag pa dito, eto ang
binasa ng kanyang nakababatang kapatid na si Vicente de Lima II - “Thus, I am
not a victim. I am not merely a survivor. I am not just a fighter. I am a
defender.”
Kung susuriin, ang naging
aligasyon laban kay De Lima ay ang pagbibigay daan neto para sa palitan ng ilegal
na droga sa loob ng New Bilibid Prison noong sya ay isang Justice Secretary.
Dagdag pa dito, ang nasabing pera na nakuha sa kanyang ilegal na transaksyon ay
ginamit noong 2016 senatorial bid.