Sunday, February 23, 2020

Empleyado ng ABS-CBN, Mas Mababa pa sa Nabangit Netong 11,000



Nai-sumite na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa opisina ng Solicitor General ang bilang ng dami ng empleyado ng ABS-CBN netong biyernas. Ayon sa unang ulat, ang naturang broadcast giant ay naghayag ng bilang ng empleyado ngunit iba ang lumabas sa resulta ng BIR.

Ayon sa sulat ng BIR kay SoGen Jose Calida netong February 21, 2020, ang ABS-CBN Corp. at ang ABS-CBN Convergence Inc. ay meron lamang 4,401 na empleyado, na taliwas naman sa unang sinabi ng network na umabot daw umano ang kanilang empleyado sa 11,000. Maitatala na ang prankisa neto ay mawawalan na ng bias ngayong darating na marso.



Bumase naman ang BIR sa natuklasan neto sa Annual Information Return of Income Taxes Withheld on Compensation and Final Withholding Taxes na isinumite ng ABS-CBN Corp. at ng ABS-CBN Convergence Inc. Ayon sa dokyumentong inilahad ng BIR, ang ABS-CBN Corp. ay merong 4,322 na empleyado samantalang 79 naman ang empleyado ng ABS-CBN Convergence sa ngayong December 31, 2018.



Etong mga impormasyong ay nakatalagang tatalakayin sa Senate committee hearing sa lunes para sa deliberasyon sa franchise of renewal ng nsabing network.

Sa kadagdagan ng ulat, merong tatlong dahilan na basehan para mabawi ang prankisa. Isa na rito ang pag presenta ng serbisyong ‘pay-per-view’ na walang permit. Ayon din sa ulat, ginamit din ang prankisa na hindi aprobado ng kinatawan ng kongreso. Dagdag pa dito, binigyan pa ng foreign control ang nasabing network.



Ang aksyon na eto ng SolGen ay sya namang ini-alma ng ilang mga media at mga grupo ng karapatang pantao (human rights) na eto daw ay pang-gigipit sa press freedom.
Ayon naman sa korte suprema (Supreme Court), dapat na mag sumite ng komento ang ABS-CBN sa loob ng limang araw.

Sabi naman ni SC spokesman Brian Keith Hosaka sa nakaraang press briefing -  “In accordance with due process, the Supreme Court has ordered ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence Inc. to file their respective comments within a non-extendible period of 5 days.”