Tuesday, February 25, 2020

BONG GO: Mas Pinili pa ng Network ang Pag-ere ng isang "BLACK PROPAGANDA" Ads ni TRILLIANES Kesa sa Ads ng Pangulo



MANILA, Philippines - Neto lamang lunes, ang punong abugado ng GMA-7 ay nagsalita sa pagdinig sa senado na ang broadcast network ay ipina-ere ang isang political ad laban sa Pangulong Rodrigo Duterte noon nakaraang presidential election. Sa panahong yaon, ang Pangulo ay isang kandidato pa lamang at sa makatuwid ay ikinagalit nya eto.



Ayon sa ulat, ang negatibong ad na pina-ere ng GMA-7 sa loob ng dalawang araw ay nasabing binayaran ni Antonio Trillanes IV na kung saan naman tampok ang Pangulo na nagmumura at nagpapakita ng hindi magandang pag-kilos. Ipinakita naman sa ad ang mga bata na nagtatanong kung tama ba umano ang ginagawa ni Pangulong Duterte. Eto ang nasabi ni Ma. Luz Delfin sa pagdinig ng Senate committee sa serbisyong pampubliko.

Ngunit agad na inihinto ng GMA-7 ang pagpapa-ere ng ad bago pa nagbigay ng utos ang local na korte na itigil ang pagpapalabas neto sa telibisyon.

Pahayag ni Delfin - “It was a call, I think, of our marketing department not to air it anymore.” 


Gayunpaman, pagkatapos ng ilang oras ay tinanggi ni Delfin na ini-ere ng GMA-7 ang political ad ni Trillianes. - "The political advertisement against then presidential candidate Rodrigo Duterte featuring minors, which was discussed during the Senate Hearing, was not aired on GMA after it was disapproved by the Network’s internal election committee," pahayag ni Delfin .
"I was instead referring to another political advertisement, which was aired on GMA," dagdag pa niya.

Kinumpirma naman eto ng kampo ni Trillianes - "Tama kamo ung statement, the pol ad aired in GMA is different. But it is still a negative ad and actually more hard hitting than the ad with minors.”
Ngunit ang pananatili ng ad na eto ay wasto ayon kay Trillianes. Ayon sa kanyang pahayag, wala naman daw masama sa ad at pag papa-ere neto.

"First, there’s nothing illegal about the ad itself and the airing of the ad." Dagdag pa ni Trillianes – "Second, the same political ad was aired in GMA7 and yet Duterte never complained about it when its franchise was renewed."

Samantala, sinabi naman ni Katigbak sa mga senador na tinatanggihan ng network (ABS-CBN) na ipalabas sa telibisyon ang negatibong patalastas na gumagamit ng mga menor de edad , ngunit maaring magamit eto kung eto ay binago.

After a court issued the halt order against the negative ad, ABS-CBN “complied with the TRO that was served on us,"  pahayag ni Katigbak.
Ayon naman kay Grace Poe - “Hindi lang isang network ang nag-air nito. Ang kaibahan lang, mas mabilis na nag-pull out iyong isa sa airing.”

Ngunit sa pagdinig na eto, nagpahayag na rin si Senator Bong Go ng kanyang saloobin. Sa makatuwid, ipinakita nya ang paid advertisement ng dating senador na si Trillianes. Etong ad na eto ay nai-ere noong 2016 pa ng ABS-CBN. Tinatalakay din dito ang naging kontrobersyal na rape remark. Dagdag pa ni Senator Bong Go na mas pinili pa ng network ang pag-ere ng isang ads na “black propaganda” kesa yaong ads ni Pangulong Duterte na lehitimo.