February 4, 2020 – Sa isang pagdinig sa senado, ilan sa mga myembro
neto ang nagsabing “failure of leadership” ang ipinakita ng Department of
Health tungkol sa 2019 nCoV ARD outbreak.
Dalawa sa myembro ng senado ang nagsabing hindi nagtagumpay
sa pag kumpleto agad-agada ng pagdiskobre kung pano nahawaan ang pasahero na
naitalang nagkaroon ng 2019-nCoV. Inihayag nina Senator Kiko Pangilinan at
Pnfilo Lacson na maari etong isisi sa DOH.
Ayon sa ulat ng GMA news - “When there is only 17 percent of those passengers [who] have
been contacted since this issue erupted, I think it’s not just a failure of
communication. I think it is also a failure of leadership on the part of the
Health Department.”
Depensa naman ni Health Secretary
Duque III na ang pag diskubre neto ay sadyang pinigilan ng airline sa
kadahilanang ang mga impormasyon ng mga pasahero ay nasa ilalim ng Data Privacy
Act.
Ang naturang kaso ng 2019-nCoV sa
Pilipinas ay mula sa flight na galing Hong Kong papuntang Cebu noong January 21
na lulan ng Cebu Pacific Flight 5J 241, at galing din ng Cebu patungong
Dumaguete sa parehas ding araw lulan ng Cebu Pacific Flight DG 6519.