February 5, 2020 – Sa pahayag ng
Malacañang netong Miyerkules lamang na mahigit sa limang libong (5,000) bahay
na nakalaan para sa mga sundalo at kapulisan, ang ibibigay sa mga pamilyang nasalanta
sa pagsabog ng bulkang Taal.
Inihayag eto ni Presidential
Spokesperson Salvador Panelo matapos ibinigay ni Housing Secretary Eduardo Del
Rosario ang Cabinet noong Martes hingil sa kahilingang magkaroon ng lugar para
sa permanenteng tirahan ng mga lumikas
na pamilya.
Ayon kay Del Rosario, tinatayang
limang libo hanggang anim na libong (5,000-6,000) bahay ang naitalang maapektohan
sa paglikas mula sa naturang bulkan. Mayroon etong lawak na radius na pitong
kilometro na pumapaloob lang mismo sa isla ng Taal na mayroong 2,000 na
pamilya.
Ang NHA o National Housing Authority kumakailan
lang, ay nagbigay ng 5,448 na bahay na pinaubaya naman ng Armed Forces of the
Philippines at ng Philippine National Police. Ang nasabing pabahay ay
kasalokuyang nakatayo sa Batangas, Laguna, Cavite, at Quezon.
Dagdag pa ni Panelo – “The President approved the request of the
Department of Human Settlements and Urban Development to offer these housing
units as a grant to the displaced families instead and commended such act of
generosity. “
Samantala, iniulat din naman ni Del
Rosario na sumang-ayon ang property developer na DMCI Holdings na ibalik ang
kabayaran sa mga naapektohan netong mga customers sa Davao City.
Pahayag
pa ni Panelo - “The Department of Human Settlements and Urban Development will
be the one undertaking the negotiations on behalf of the government to resolve
the issue.”
Naiulat
din noong nakaraang buwan na nagbigay ng babala ang Pangulong Duterte sa DMCI
dahil sa pag guho ng kapirangot na parte ng condominium neto sa Davao City.
Dagdag pa dito, ang limang palapag ng Ecoland na pinapaluoban ng 4,000
residente ay naideklarang hindi ligtas (unsafe) pagkatapos ng yumanig na lindol
na tumama sa Mindanao noong nakaraang taon. Ang lindol na eto ay nagbigay ng lakas na 6.5 magnitude at bahagyang ikinasira naman ng naturang
establishment.