Manila, Philippines, February 10, 2020 – Hiniling ni Solicitor
General Jose Calida sa Korte Suprema (SC) na bawiin ang pangbatasang prankisa
sa pagbabalita ng higanteng network na ABS-CBN, na kung saan ay samo’t-samong tirade
ang natamo hindi lang sa mga netizens kungdi na rin ng Pangulo ng Pilipinas na
si Pangulong Rodrigpo Duterte.
Naiulat mismo ng ABS-CBN na nagsampa ng quo warranto petition si
Calida laban sa ABS-CBN Corporation and ABS-CBN Convergence Inc.
Sa pakiusap, inakusahan ni Calida ang ABS-CBN sa pag labag sa
batas ng pag-gamit ng kanilang prankisa – kung saan eto ay sumasa-ilalim sa
Republic Act. No. 7966 at Rebublic Act No. 8332.
Kung bubusisiin ang dalawng nasabing Republic act; RA 7966 ay
nauukol sa pag-gawad ng prankisa para sa pag-operate samantalang ang RA 8332
naman ay ang pag-gawad sa Multi-Media Telephony, Incorporated, ng prankisa para
makapag-buo, makapag-tayo, makapag – operate, at makapanatili ng Radio Paging
System sa Pilipinas. Tulad ng Multi-Media Technology Inc na kilala rin bilang
ABS-CBN Convergence, Inc.
Hindi na sinagot ni Calida ang katanongan ng mga reporters matapos
netong magsampa. Nabangit nya rin na walang halong politico ang pagsampa nya ng
kaso. (“there is no politics” involved
in the filling”)
Sa pahayag ni Calida - “We want to
put an end to what we discovered to be highly abusive practices of ABS-CBN
benefitting a greedy few at the expense of millions of its loyal subscribers.
These practices have gone unnoticed or were disregarded for years.”
Dahil naman sa Rule 66 ng Rules of
Court ay nabigyan ang Solicitor General ng pagkakataong magsampa ng quo
warranto na kung saan nakasaad na eto ay laban sa - “a person who usurps, intrudes into, or unlawfully holds or exercises a
public office, position or franchise.” Bukod dito, meron ding petisyon na
pwedeng isampa laban sa - “an association
which acts as a corporation within the Philippines without being legally
incorporated or without lawful authority so to act.”
Ang pambatas na prankisa ng ABS-CBN
ay magtatapos na sa March ngunit ang bayarin ay nkabinbin pa sa Kongreso.
Si Reo. Rufus Rodriguez na may akda
sa isa sa mga bills para ma-renew ang prangkisa ng AVS-CBN ay naghayag sa isang
phone patch interview sa ABS-CBN news channel na ang hakbang ay - "is an
encroachment on the right of Congress to grant and revoke franchises."
Samantalang si Deputy House Speaker
Rep. Johnny Pimentel rin, sa isang hiwalay na phone patch interview na ang nasabing
hakbang ay nakakpang-hinala at nkaka-alarma. Sabi nya na ang kongreso lang ang
may kapangyarihan na magbigay, mag-kansela, at bumawi ng prangkisa. Dagdag pa
aniya ni Pinmentel na hindi pa nagsisimula ang pagdinig hingil sa renewal.
Samantala, magbibigay pa lang ng
opisyal na pahayag ang ABS-CBN sa pinaka bagong ulat neto sa bid para sa
pagpapatuloy ng kanilang prangkisa.
Iba pang pahayag ng Office of Solicitor General sa paghahain ng qou warranto:
Iba pang pahayag ng Office of Solicitor General sa paghahain ng qou warranto: