Isang mayor patay sa pananambang sa Manila - Si mayor Abdulwahab Sabal ng Talitay, Maguindanao ay namatay dahil sa pamamaril ng isang lalaking hindi pa nakikilala neto lang lunes ng gabi February 10, 2020.
Ang nangyaring
insidente ay naganap sa isang hotel sa Brangay 706, Quirino Ave. Naitala na ang
SUV na sinasakyan neto ay may mga tama ng bala.
Ayon sa ulat, inihayag ni Police Lt. Col. Samuel Panonito ng
Malate Police ang mga detalye; ang nasabing alkalde ay nakaupo sa driver seat,
dagdag pa dito ang bintana ng upuan para sa pasahero ay basag din.
Sa pinangyarihan, iniulat na may tama na ang alkalde nang
magtangkakng pumasok sa loob ng hotel dahil sa mga nakitang marka ng dugo sa
simento.
Sa pahayag naman ni Pabonito - “Ayon sa kasamahan [ni Sabal], bumaba siya, pumunta na
roon sa pintuan. Nakarinig siya ng putok, akala niya fireworks lang.”
Ang nasabing alkalde ay pumunta ng Manila para sa isang aktibidad
na kanyang dadaluhan. Dagdag din sa ulat na kasama rin nya ang kanyang asawa.
Sa kasamaang palad, kasama rin eto ng nabaril ang alkalde at ikinagulat naman
eto ng mga kamaganak na si Ulanbai Lizardo.
Bagamat hindi pa alam ang tunay na motibo ng pagpaslang, isa si
Sabal sa mga napangalanan ng Pangulong Rodrigo Duterte na napasama sa
narco-politician. Eto ay noong bise alkalde pa lamang ang biktima. Dagdag pa
dito, nakatala din ang alkalde sa pagkakasangkot sa ilegal na droga at illegal possession
of firearms and explosives na naging dahilan ng kanyang pagkakaaresto noong
2016.
Isa rin dito ang nangyaring pagsabog sa Davao City kung saan
marami ang nasawi. Tinatalang itinanggi ng alkalde na may kaugnayan sya sa
ngyaring insidente. Sa ngayon, inaalam pa ng awtoridad ang dahilan ng
pagpaslang sa alkalde pero wala pang lumalabas o nakuhang testigo ang mga
pulis.