February 11, 2020, MANILA, Philippines – Tuloyan nang ipinadala ng
Pilipinas ang pabatid ng pagwawakas ng Visiting Forces Agreement sa Estados Unidos.
Simula ngayong araw na eto, martes February 11, 2020, ay mayroon pang 180 na
araw para tuluyang mawalan ng bisa ang nasabing kasunduan na halos tumagal
nang dalawang dekada.
Ang sulat na eto ay pinirmahan ni Foreign Affairs Secretary Tedoro
Locsin Jr. at pinadala sa gobyerno ng Estados Unidos,na kinumpirma naman ng
Malacañang ang balita.
Eto ang naging pahayag ni
Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa press briefing - "The
President directed the Executive Secretary Salvador Medialdea to tell Secretary
Teddy Boy Locsin of the Foreign Affairs to send a notice of termination to the
US government last night and the Executive Secretary sent the message to
Secretary Teddy Boy Locsin and the latter signed the notice of
termination and sent to the US government today."
Sa isang tweet ni Locsin,
nakumpirma na natanggap na ng US Embassy ang pabatid ng pagwakas ng VFA ng
Pilipinas sa US. Dagdag pa aniya - "As a diplomatic courtesy there will be
no further factual announcements following this self-explanatory development."
Noong nakaraang linggo sa pagdinig
sa senado, naihayag ni Locsin na muli ay pag-aralang muli ang VFA at nabanggit
nya na maaring mawalan ng tulong ang Pilipinas na may halagang bilyong piso
bukod sa iba pa netong mga benepisyo.
Nakasaad naman sa sinabi ni Panelo
pagkatapos ng pagdinig na hindi pa nagbabago ang desisyon ng Pangulong Duterte
at handa na eto umanong mag-utos sa Executive Secretary na sabihin kay Locsin na ipahatid ang notice.
Pahayag naman ni Locsin kumakailan
lang na igigiit nya na dapat pag-aralan uli ang VFA para sa negosasyon sa
nasabing usapin.