Thursday, April 16, 2020

Mga Rebeldeng NPA, Umatake sa mga Sundalong Nagsasagawa ng anti-coronavirus information drive



Manila, Philippines – Inatake ng mga kumunistang rebelde ang mga nagpapatrolyang mga sundalo na nagsasagawa ng anti-coronavirus information drive sa Zamboanga del Norte province sa southern Philippines.



Ayon sa mga opisyales, naging sanhi ng putokan ang pag-atake sa nayon ng Pange sa bayan ng Siayan nitong linggo.

Umabot naman ng halos kalahating oras ang labanan at huminto na rin matapos magkawatak-watak ng mga rebelde sa maliit na grupo at tumakas na.

Ayon sa ulat, walang sundalong nasawi sa nasabing inkwentro at wala namang naibalita na may nasawi sa mga rebeldeng kumunistang NPA.


Samantala, nakuha ng mga sundalo ang mga improvised explosive at blasting cap, kasama rin ang mapa na kung saan makikita ang target ng mga rebelde. Ayon kay Lt. Col. Manaros Boransing na commander ng 97th infantry Battalion, naiwan ang mga bagay na narecover ng mga rebelde.

Nitong nakaraang buwan lamang, naiulat na sinunog ng pwersa ng rebelde ang mga kagamitang pagmamay-ari ng private contractor na gumagawa ng isang proyekto ng kalsada sa nayon ng Lower Liason sa bayan ng Tambulig – karatig probinsya ng Zamboanga del Sur.


Ayon kay Col. Leonel Nicolas na kumander ng 102nd Infantry Brigade, may tinatayang 100 national at local government na proyekto sa Zamboanga Peninsula at sa Misamis Occidental na ngayon ay kanilang binabantayan para maging ligtas sa mga NPA.

Samantala, ayon kay Maj. Gen. Generoso Ponio na kumander ng 1st Infantry Division, nilabag ng mga rebelde ang kanilang unilateral ceasefire at ang pag-atake nila ay nagpapakita ng pagiging traidor na gawain ng mga NPA.

“Our troops will continue to perform our mandate in mitigating the spread of the Covid-19 (coronavirus disease 2019) in partnership with local governments as we protect the constituents and ensure an unhampered implementation of government flagship projects,” dagdag ni Ponio.